NAWASAK ang buong bundok Husnei sa paglabas ko. Galit na galit ako dahil sa nangyari. Ibinuhos ko pala ang lahat sa isang ilusyon. Nandoon din ang kaunting pangamba na baka pinatay na ni Lucifer sina Venus. "Luciferrr!" Malakas kong sigaw. Sumiklab palayo ang napakaraming apoy na ginto. Doon na nga rin sa akin tumambad ang isang dambuhalang halimaw. Nababalutan iyon ng itim na aura. May mga itim na kuryente rin na lumalabas. Si Lucifer! Naging higante na siya. Napatingin ako sa mga kasama ko. Kumabog ang dibdib ko. Wala ni katiting na aura ang lumalabas sa mga katawan nila. Mukhang natalo ni Lucifer ang Phoenix. Agad akong bumaba. Nilapitan ko si Venus... Unti-unting pumatak ang luha ko. Binuhat ko siya... Wala na siyang buhay. Pati ang mga kasama ko. Lahat sila ay wala na. "H-hindi!" N