NAALALA ko bigla ang sinabi sa akin ni Lolo tungkol sa gintong apoy. Ito raw ang pinakamalakas na kapangyarihan sa buong Elementalika. Isa raw itong alamat pero napatunayan niyang totoo iyon nang dahil sa kambal. Nang sanggol pa kami. Bigla raw naglabas ng kakaibang uri ng apoy ang isa sa mga sanggol... at ako ang sanggol na iyon. "Sabi sa alamat, walang kapantay ang apoy na ginto... Noong unang panahon, isa napakalakas na halimaw ang kinalaban ng mandirigmang iyon. Walang nagawa ang mga Maharlika para matalo ang halimaw. Kaso, isang binatang may apoy na ginto ang dumating. Iniligtas niya ang Elementalika mula sa pagkawasak. Tinalo niya ang halimaw nang walang kahirap-hirap at pagkatapos ng tagumpay na iyon ay biglang naglaho ang binata. Kailanman ay hindi na siya nakita pang muli sa Elem