MATAPOS kong matalo ang higanteng si Kyojin. Sunod namang natalo ang kalaban ni Venus na si Hampatsu. Tinalo na rin ni Neptune si Ratto na hindi na nagawang makasabay sa kanya. Pinabagsak na rin ni Isago ang kalaban niyang si Akasha. Ngayon ay si Terrance at ang Heneral ni Lucifer na lamang ang naglalaban sa itaas ng wasak na palasyo. Sa hindi kalayuan naman, ang lupang dragon ay patuloy naman sa paglaban sa higanteng ahas na may tatlong ulo. Itim ang kulay noon at mukhang gawa sa metal ang katawan. Patuloy na rin nga sa pag-usad ang mga mandirigmang Terranian papunta sa kastilyo. Nakatulong sa kanila nang malaki ang mga dragon namin. Ngayon ay nakatayo kaming apat sa hindi kalayuan. Pare-parehong puro sugat at galos. Wasak ang mga damit at pinapanood ang laban ng aming kasamahan. Kinakal