BINIGYAN ko ng lumiliyab na suntok ang higante. Napakabilis nang pagsugod kong iyon pero nasalag niya pa rin iyon. Nakangisi siya at nagulat na lang ako nang pitikin niya ako. Ang bilis noon. Hindi ko man lang nagawang iwasan. Tumalsik ako palayo. Ilang gusali sa likod ng palasyo ang tinamaan ko at nawasak lahat ng mga iyon. Hindi ko mapigil ang pagtalsik ko hanggang sa bumagsak ako. Ang sakit ng tama kong iyon. Ang layo rin ng tinalsikan ko. Ilang kilometro yata mula sa palasyo. Nakikita ko rin ang labanan doon. Sunod-sunod na salpukan ng kapangyarihan ang natatanaw ko. Bumangon ako. Nagbanat-banat ako ng buto para mabawasan ang sakit ng tama ko. Kaso nabigla ako nang lumitaw sa unahan ko ang higante kong kalaban. Nakakabilib dahil ang laki niya pero ang bilis niya. Pero walang oras para