Apoy 31

1574 Words

MARAMING ikinuwento si Lolo sa aming dalawa ni Venus. Tungkol sa kaniya at kung paano siya napadpad dito. Naik'wento niya rin ang tungkol kay Jupiter, at kung pa'no niya ito nailigtas. Sinabi rin niya sa akin na bigla na lang niyang naramdaman ang aura ko mula sa lumang bodega kaya natunton niya ako. Iyon din daw ang pagkakataong nakita niya ako. "Hindi ko alam kung paano ka napunta sa mundong ito, pero masaya akong malamang buhay ang kambal," nakangiting sinabi ni Lolo sa amin ni Venus. "Ibig-sabihin po 'Lo... Buhay rin ang kakambal ni Mars?" tanong naman ni Venus. Sandali kaming natahimik dahil sa tanong na iyon. Alam ko na rin kung sino ang kakambal ko nang matapos ang kuwento ni Lolo sa amin. Ang simbolo ng apoy sa kanang pisngi, hindi ako maaring magkamali... Siya iyon. "Oo Venus,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD