Apoy 41

1882 Words

WALA nang lingon-lingon pa. Mabilis kong tinakbo ang Agaron na pinakamalapit sa akin pero mabilis akong dumapa nang biglang isang malakas na atake ang naramdaman ko. Nahati lahat ng puno na nakapaligid sa amin dahil sa atakeng iyon. Isa-isang nagbagsakan ang mga iyon at biglang humawan ang paligid. Napatingin agad ako kay Neptune, siya ang may gawa noon. Gamit ang hangin, hinawan niya ang paligid para maalis ang mga sagabal na puno. Kaso mukhang balak niya akong patamaan dahil kung hindi ako dumapa ay baka nahati na rin ang katawan ko. Napatingin din ako kay Venus at Terrance, okay naman sila at mukhang hindi umiwas dahil hindi sila tinarget ng batang lollipop na ito. Gano'n din sina Sven. Pero ang ikinangisi ko ay ang mga Agaron, nagawa nilang iwasan ang tirang iyon at mukhang mas lalong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD