Apoy 42

1458 Words

NASA kalahating oras din ang itinagal ng aming nilakad bago makarating sa sinasabi nilang dis'yerto. Dumaan din kasi kami sa isang maliit na gubat at naligaw pa kami ng dalawang beses. Nang makarating kami sa dis'yerto, pansin ko na kaagad ang kalawakan noon. Hindi ko matanaw ang dulo. Tanging ang simoy ng hangin at ikot ng mga buhangin ang naririnig ko. Pinilit kong palawakin ang pakiramdam ko sa pagbabakasakaling may masasagap akong aura ng Terranian sa dis'yerto, pero wala akong naramdaman. "Paano natin mahahanap ang sinasabi n'yong kumain sa k'wintas ng kaibigan ninyo?" tanong ko sa kanila. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin sila sa akin. Ni hindi na nga ako nagtanong ng kung ano-ano sa kanila habang naglalakad kami papunta rito. "K-kailangan po nating maglakad pa papunta sa dis'yert

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD