"AMEN," nasabi ko na lang sa sarili ko bago kami kumain. Sandali muna akong nagpasalamat sa Panginoon. Marami na rin akong utang sa kanya. Isang linggo na mula nang umalis kami sa kuta sa Lunaryo. Ang layo na ng narating namin pero malayong-malayo pa kami sa aming destinasyon. Mas'werte na rin kami dahil wala pang umaatake sa aming kalaban. Walang nagpaparamdam. Pero parang mas nakakapagduda iyon. Lalo pa't alam kong alam na nila na nagsisimula na kami. Muli na naman ngang lumipas ang gabi. Pero gabi pa rin kapag nagigising ako. Mabuti na lang at maraming halaman sa paligid na kung tawagin ay Yukaliptiyo. Isang maliit na halaman na parang tipak ng yelo ang itsura ng dahon. Kakaiba at kung saan-saan tumutubo. Sabi sa akin ni Lolo Mera, ngumuya raw ako nito kapag umaga. Ayos nga naman