SUNOD-SUNOD na pagsabog ang dumagundong sa buong paligid. Ikalawang araw pa lang magmula nang atakehin kami ng mga kalaban, at heto't mayro'n na namang mga kalaban. "Ikaw ba ang pinuno ng grupong ito?" Tanong ni Venus sa dalawang babaeng nakasuot ng itim na fitted na pantalon at tanging itim na b*a lang ang pantaas. May mga tattoo rin ang katawan nila. May matatalas na tainga at pula ang mga mata. Magkasama rin kami ni Venus. Lumilipad kami sa ere. Kasalukuyan namang hinaharap nina Terrance ang iba nang pinuno. Lima sila at lima kaming Maharlika. Problema talaga ito, lalo pa't hindi naman lahat ng mga kasama naming mandirigma ay makakaligtas sa napakarami naming kalaban. Kung araw-araw ay ganito, baka kapag nagtagal kaming mga Maharlika na lang ang matira bago pa makarating sa Uluru. "Ka