ISANG buwan na ang lumipas. Nakakalungkot isipin, pero tatlumpu na lang ang mga mandirigma naming kasama, kabilang na ro'n si Sven. Namatay na rin sina Emerald. Ginawa namin ang lahat para mailigtas lahat ng aming mga kasama, pero sadyang mahirap. Napakarami lagi ng aming nakakalaban. Bukod pa ro'n, kailangan muna naming talunin ang mga pinakamalalakas para makalamang sa laban. "Hikennn!" Tinupok ng malaking apoy na kamao ang napakaraming dark creatures ng kalaban. Kaunti na lang at mauubos na rin sila. Nakita kong ginamitan na nina Terrance ng mga kapangyarihan ang mga natitira, hanggang sa tuluyan na ngang naubos ang mga kalaban. Nakakapagod. Halos araw-araw kaming lumalaban. Araw-araw na pagod. Napahiga na nga lang kaming lahat sa lupa nang matapos ang laban. Parang gusto kong magpahi