SABAY-sabay naming winasak ang dambuhalang itim na apoy na tatama sana sa amin gamit ang aming kapangyarihan. Doon na rin bumungad sa amin ang isang lalaking may itim na balabal at may suot na maskara. Napapaikutan siya ng itim na apoy at napapaligiran ng tatlong dragong apoy. Magkakaiba ang itsura ng tatlong dragon. Ang isa ay parang malaking ahas, mahaba iyon at iyon ang dragon na dati naming nakaharap ni Venus. Ang ikalawa ay may pakpak, parang dinosaur. May dalawang kamay at dalawang paa. May mahaba ring buntot at ang ikatlo... isang dragon na nakasuot ng makapal na baluti, may hawak na espada at kalasag. Tatlong dambuhalang itim na apoy na dragon. Mas malakas na siya kumpara noon. "Alpiro!" sigaw ni Isagu at bigla na lang itong sumugod. Pinalabas niya ang buhangin niyang dragon. "