08

2086 Words
Chapter 08 3rd Person's POV "May sinabi bang ibang detalye si phoenix tungkol sa blacklist?" tanong ni Jeon kay Kale na kinatingin ng dalaga. Kasalukuyan silang nasa living room habang ang dalawang lalaki ay nasa kusina at kumakain ng pina-deliver na pizza. "Bakit mo natanong iyan? Hindi ka ba mas interesado sa pinag-uusapan ng dalawa? Mukhang seryoso sila oh," pag-iiba ni Kale bago nginuso ang direksyon nina Creon at Elliseo na parehong nakatalikod sa direksyon nila. Napatingin si Jeon sa kusina. Hanggang sa maya-maya medyo lumakas ang boses ni Creon. "Bakit walang hotdog ang pizza?" reklamo ni Creon. Napa-pokerface si Jeon matapos makita ang seryosong pinagkakaabalahan ng dalawa. Hinihiwalay ng dalawa iyong nahalong cheese sa pizza. "Kanina mo pa pinapapak iyong hotdog sa pizza, gago," mura ni Elliseo sa kaibigan matapos ito hampasin ng karton sa ulo. Tiningnan ni Jeon si Kale na napasapo sa noo. "May matino ba tayong impormasyon na makukuha sa dalawang iyan?" tanong ni Jeon kay Kale na kinailing ng babae. "Nevermind, anyway— about sa tanong mo kanina— walang binigay na impormasyon si phoenix about sa black list dahil ang tanging nakakaalam lang ng laman 'non ay ang mga Villiegas." "Then paano nakasigurado sina Midnight na hawak ng mga Villiegas ang blacklist?" tanong ni Jeon sa dalaga. — "Master, dito talaga tayo matutulog sa sala?" hindi makapaniwala na tanong ni Creon matapos makitang naglalatag ng sarili niyang higaan si Elliseo sa sahig ng living room. "Nakita mo naman na iisa lang ang kwarto sa unit na ito diba?" "Master, pwede tayo mag-rent ng ibang unit," ani ni Creon na kinatingin ng binata. "Baka nakakalimutan mo kung anong sitwasyon natin ngayon? Kinidnap tayo," sagot ni Elliseo bago binato sa mukha si Creon ng unan. "Master, kaya ko silang patayin kung gusto mo ng umalis dito," sagot ni Creon na may ngiti sa labi. Tumalikod si Elliseo at kinuha ang isa pang unan sa sofa. "Hindi ko kailangan ng tulong mo," bored na sagot ng lalaki na kinabagsak ng balikat ni Creon. Kinulit nito ang mafia boss at kinumbinsi na bumalik na. "Griffin! Tigilan—" "Master, kahit saan ko tingnan na anggulo— mas kamukha mo si madam lalo na kapag sa malapitan," ani ni Creon habang bahagyang nakayuko at ilang pulgada ang layo sa mukha ni Elliseo na kasalukuyang naka-pokerface. "Kung ayaw mong bumaba sa 5th floor na ito ng hindi dumadaan sa pintuan— manahimik ka at ilayo mo iyang mukha mo sa akin," asik ng binata. Gumuhit ang ngisi sa labi ni Creon— napamura na lang ang binata nang masubsob siya sa sofa nang may sumipa sa likod niya. "Gabi na ang ingay niyo pang dalawa." Napatingin si Elliseo kay Jeon. Masama ang timpla ng mukha nito na nilingon si Elliseo na may pagtatakha sa mukha. Sigurado ang binata na soundproof ang kwarto at imposibleng marinig sila mula sa living room. "Tangna— hindi ba pwedeng magbigay ka ng warning kapag maninipa ka! Ang sakit kaya!" reklamo ni Creon na umaarteng hinihilot ang likod. "Sabi ko na kasi sa iyo manahimik ka," ani ni Elliseo na nakatingin sa kaibigan. "Anong problema bakit hindi pa kayo natutulog?" tanong ni Kale matapos makitang gising pa ang dalawang lalaki. "Kale, may handcuffs ka sa bag diba?" tanong ni Jeon na kinatingin ni Kale na kasalukuyang nakatayo sa bukana ng pintuan ng kwarto. "Aanhin mo ang handcuff?" tanong ni Kale. — "Master, kusa naman akong sumama dito diba? Hindi ako ang kinidnap? Bakit ako ang naka-handcuff?" tanong ni Creon habang nakahiga sa sofa at nakatitig sa kisame. "Manahimik ka na kang kung ayaw mong nguso mo naman ang maitali," sagot ni Elliseo habang nakatagilid at nakatalikod sa direksyon ni Creon. "Master, kung ang pagiging mafia boss lang ang dahilan kung bakit mo ginagawa ito mas mabuting bumalik ka na. Maiintindihan naman ni Mr. Villiegas kung ayaw mo tanggapin ang posisyon," out of the blue na sambit ni Creon. "Kaya ba pinuntahan mo ako dito para kumbinsihin bumalik at sabihin 'yan?" bored na tanong ni Elliseo na kinairap ni Creon sa kawalan. "Ano pa sa tingin mo ang dahilan bakit ako nandito?" basag ng lalaki. Pumikit si Elliseo at nagtaklob ng comforter. "Nagsasayang ka lang ng oras Griffin. Wala akong balak bumalik," sagot ng binata na kinalingon ni Creon sa direksyon ng mafia boss. Akala ni Creon nagbago na ang mafia boss pero katulad pa din ito ng dati. Hindi na umimik si Creon at tumagilid paharap sa sandalan ng sofa. Kinaumagahan Sinipa ni Jeon si Creon na kinabalikwas ng binata. Luminga-linga ang lalaki sa gulat at napa-pokerface ang binata matapos mapako ang tingin kay Jeon na naka- cross arm. Nakatayo ito sa gilid ng sofa at walang emosyong nakatingin sa kaniya. "Umaga na— babiyahe pa tayo. Buhatin mo na si Villiegas," utos ng dalaga na kinakunot noo ni Creon. Malinaw naman na wala pang alas dos ng umaga at sobrang dilim pa sa labas. "Pero kararating pa lang natin— wala pa tayong limang oras nakakapagpahinga," reklamo ni Creon bago tinaas ang hand cuff. "Huwag ka nga maingay na gago ka. Hindi na pwede uminom ng sleeping pills si Mr.Mafia boss— nandito lang tayo para patulugin siya hindi para magpahinga," sabat ni Kale na hinila ang tenga ng binata na kinamura ni Creon. "Fine! Fine ito na nga eh," sagot ni Creon n tinatanggal ang kamay ng dalaga sa tenga niya. Tinanggal nina Kale ang hand cuffs at dahan-dahan sinakay ni Creon sa likod niya si Elliseo na mahimbing ang tulog. Hindi makapaniwala si Creon na sobrang lalim ng tulog ng binata. Ni hindi ito nagising 'nong hinawakan niya ito. Naalala niya dati pagkatapos ng aksidente halos hindi na ito natutulog. Kailangan nito uminom ng napakaraking sleeping pills para lang makatulog— kahit kailan din hindi niya nakitang ganito kakomportable ang binata sa iisang lugar. Kahit kasi sa sarili nitong bahay ay lagi din itong alerto. Lagi siya nitong binabato ng patalim tuwing umaakyat siya ng veranda at bigla na lang siya sumusulpot sa kwarto ng binata. Tiningnan ni Creon ang babaeng nakasuot ng facemask at nasa unahan nila naglalakad patungo sa pintuan. "Umamin kayo— may pinainom ba kayo kay master ngayon?" malamig na sambit ni Creon na kinahinto nina Kale at Jeon matapos makaramdam ng sobrang bigat na presensya galing sa likuran nila. Tiningnan ni Kale at Jeon si Creon na buhat si Elliseo. Wala itong emosyon na nakatingin sa kanila— nilabas ni Kale ang patalim sa bulsa niya out of instinct. Tiningnan ni Jeon si Kale dahil sa idea na hindi lanh hallucination ang nararamdaman niyang presensya ng taong kasama nila ngayon sa unit. Mahigpit ang hawak ni Kale sa patalim at ngayon lang ni Jeon nakita ang ganoon na expression ni Kale. Pang-class S ang kakayahan ni Creon ayon sa instinct ni Jeon at kapantay nito ang kakayahan meron ang pinuno ng black circle. "Pareho kayo ng kinain ni Villiegas diba? Kung may nilagay kami doon kahit ikaw hanggang ngayon tulog pa din," sagot ni Jeon. Sa isang iglap nawala ang presensya na naramdaman nila at nagbago ang expression ng binata. "Oo nga noh. Naalala ko inagawan ko pa ng pagkain si master," ani ni Creon na parang batang hinawakan ang baba niya. "Ay! Tara na— alis na tayo baka magising na si master. Bilisan niyo," ani ni Creon na basta na lang nilampasan ang dalawa at binuksan ang pintuan. Nilingon ni Kale at Jeon si Creon na hinawakan ang doorknob. "Ah, oo nga pala," ani ni Creon bago nilingon ang dalawa at ngumiti. "Katulad ng sinabi ko wala akong gagawin hangga't hindi inuutos ni master pero obligasyon ko na protektahan si master kahit kapalit pa ang buhay ko. May idea din ako sa patakaran ng grupo niyo pero kapag dumating ang araw na kailangan ng ligpitin ng grupo niyo si master— hindi ako basta manonood lang. Papatayin ko kayong dalawa kahit pa kapalit 'non ang buhay ko," dagdag ni Creon na may ngiti sa labi bago binuksan ang pintuan at lumabas. "Papatayin na ba natin ang taong iyon?" tanong ni Kale sa babae na may pagkadisgusto sa mukha. "Hindi siya ang target." "Pero sobrang delikado ng taong 'yon. Nakita mo kanin—" "Pero wala sa mission natin patayin si Villiegas diba? Ang blacklist lang ang mission natin wala ng iba. Ang blacklist ang dapat natin pagtuunan ng pansin," putol ni Jeon. Una pa lang alam niyang hindi ordinaryong servant ang lalaking lumapit sa kanila. Unang-una ang tinutukoy dito ay servant iyon ng mafia boss, pangalawa, alam nito kung saan sila galing na organization at pangatlo wala itong takot— hindi na siya nagulat sa tinatago nitong kakayahan." "Oy, ano bilisan niyo na. Malapit na sumikat ang araw," ani ni Creon matapos buksan ulit ang pinto at silipin nag dalawa. Hindi na kasi mga ito lumabas agad ng unit. Tinulak ni Kale ang pinto at inirapan ang lalaki. Binelatan naman ni Creon si Kale mula sa likod. Bigla siyang nilingon ni Kale kaya napatikom ang bibig ni Creon at tumingin sa kabilang bahagi ng hallway. — "You creep me all out of me, Villiegas," komento ng lalaki na kasalukuyang nakangiwi matapos makita ang lugar na nagsisilbing palaruan ng binata na si Elija Villiegas. "Ano na naman ginagawa mo dito Mendez?" pokerface na tanong ng binata habang nakatayo sa harap ng malaking bato. Nilingon nito ang binatang kasalukuyang nakatayo sa bukana ng garden habang hawak ang ilong. "Hindi pa din pala natatanggal ang ganitong habit mo. Minsan talaga nagdududa na talaga ako kung nasa tama ka pa bang pag-iiisip o wala na," ani ng lalaki bago tiningnan ang mga katawan na nakasabit sa mga puno. Tumutulo ang dugo ng mga ito sa lupa na nagiging rason para magkulay pula ang lupang tinatapakan ng binata. Humahalo din ang dugo ng mga ito sa damo, puno na nasa paligid at nangingibabaw ang amoy ng mga nabubulok na katawan kaysa sa amoy ng mga bulaklak na tumutubo sa iba't ibang bahagi ng malawak na garden. "Siguraduhin mo lang na importante ang sasabihin mo dahil kung hindi— gagawin din kita pataba sa lupa," malamig na sambit ni Elija na kinangiwi ng lalaki. Tinanggal nito ang kamay sa ilong at nagsalita. "Nakuha ko na lahat ng pangalan ng mga taong pinahahanap mo. Nandito na din sa akin ang address at ilang background nila— kinailangan ko pa ang mga asset ni dad dahil karamihan sa mga taong pinahahanap mo ay ni-recruit ng ilang organization pagkalabas na pagkalabas ng mga ito sa kulungan— nakakapagduda kaya medyo naghalungkat pa ako. Marami akong nakitang interesante bagay na alam kong ikatutuwa mo," ani ng bina na si Nigel Jullian Mendez. Isa sa mga tagapagmana ng mga Mendez at nagpresinta na magtrabaho sa mga Villiegas bilang informant. Tanda ito ng matibay na koneksyon ng dalawang organization at pagsuporta sa isa't isa. Pero bilang Mendez at representative sa organization ng mga Villiegas mas madalas nagtatrabaho si Julian sa isa sa mga tagapagmana ng mga Villiegas. Ini-assign siya ng former mafia boss na maging kanang kamay ni Elija at tapat na tagasunod kaya mas madalas itong nakabuntot sa binata— hindi na nito nagagawa ang nirepresinta niya sa Villiegas bilang informant. Naglakad si Elija patungo sa binata ni hindi nito alintana ang mga katawan na nakasabit sa puno at tinatapakan nitong lupa na halos magkulay pula dahil sa dugo. Kinuha ni Elija ang usb na inabot ni Jullian. Nag-unat ang binatang si Jullian dahil sa idea na tapos na siya sa mission niya at makakatulog na siya. "Teka hindi ko yata nakikita si Griffin this past few days— nahanap na ba niya location ni young master Elliseo?" tanong ni Jullian bago ginala ang paningin sa paligid. Madalas din kasi nandoon si Creon at tumutulong sa pangongolekta ni Elija lalo na kung wala itong ginagawa at nakakaramdam ng boredom. "Maganda ito— madadagdagan na naman ang collection ko," ani ni Elija na may ngiti sa labi habang winawagayway ang hawak niyang usb. Nagtaraasan ang balahibo ni Jullian sa katawan matapos makita ang ngiti na iyon ni Elija. Hindi siya santo, pumapatay din siya pero hindi siya iyong tipo ng tao na kokolektahin ang katawan ng mga taong pinapatay niya at sinasabit iyon sa puno matapos i-torture. "Sa tingin ko kailangan ko muna matulog— inaantok na ako isang buwan na ako walang maayos na tulog," pag-iiba ng batang Mendez at naiiling na tumalikod. Hindi siya makapaniwalang umabot siya walong taon sa pangangalaga ng mga Villiegas kasama si Elija at kakaibang habit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD