Chapter 07
3rd Person's POV
"Creon," bulong ni Elliseo matapos makita ang binata sa likuran ni Kale. Ngumiti si Creon at—
"Oops," ani ni Creon matapos madulas ang hawak na baril sa kamay niya. Bago pa bumagsak ang baril sa lupa— umikot si Kale at mabilis na hinawaka ang braso ng binata patalikod.
Napangiwi si Creon sa lakas ng babae pero hindi ito lumaban lalo na at hindi iyon ang dahilan bakit siya nandoon.
Sinipa ni Kale ang baril mula sa lupa at sinalo iyon ng umangat. Tinutok sa ulo ni Creon na hindi inalis nag tingin kay Elliseo.
"Sino ka at anong ginagawa mo dito?" walang emosyon na sambit ni Jeon habang nakatingin sa binata.
"Private servant ako ng taong nasa likod mo at dahil kinuha niyo siya kailangan niyo din ako isama," taas noong sambit ni Creon na kinagusot ng mukha ni Elliseo.
"Sa tingin mo papayag kami! Crimson patayin na lang natin ang taong ito. Hindi siya ang targ—"
"Kung ako sa inyo hindi ko iyan gagawim since nagkabit ako ng device sa katawan ko na automatic sasabog once na tumigil ako sa paghinga. Hindi lang ako ang mamatay dito dahil siguradong isasama ko kayo," malapad ang ngiti na sambit ni Creon na kinaiwang ng labi ng dalagang si Kale.
"So? Isasama niyo ako o hindi? Huwag kayong mag-alala— hindi ako nagtatrabaho para sa mga Villiegas— wala din akong pakialam sa gulo niya as long as magagawa ko ang responsibilidad ko kay master as a servant wala akong gagawin para itakas si master o timbrehan ang mga Villiegas."
Kinapa ni Kale ang magkabilang bulsa ng suot na hood ni Creon Griffin. Wala itong dala kahit phone o deadly weapon bukod sa baril. Tinulak ng babae si Creon palapit sa direksyon nina Jeon.
Pinakiramdaman ni Jeon ang paligid at napatunayan na wala itong kasama.
"Paano kami makakasiguro na hindi ka titimbre sa mga Villiegas?" walang emosyon na tanong ni Jeon kahit may something sa taong kaharap niya na hindi maipaliwanang ng dalaga.
"Hindi ako mangangako na kahit na ano pero hangga't walang inuutos si master na wala akong gagawin at mananahimik ako dito kasama niyo," may ngiti na sambit ng lalaki. Sumandal si Elliseo sa sandalan ng bench kaya napatingin sina Kale.
"Jeon ito na pala ang mga pinabibili mo," ani ng dalaga matapos iabot ng babae ang isang lalagyan sa dalaga.
Nakatingin lang si Creon at Kale nang kumuha ng candy si Jeon at buksan iyon. Sinubo niya 'yong candy kay Elliseo at inabot nito ang isang maliit na bote sa binata.
Hindi naka-react si Creon matapos makitang hindi umaapila o nagrereklamo ang kaibigan.
"May sapi ba ang boss ko?"
"Ayos lang ba si Crimson."
Halos magkasabayan na sambit ni Creon at Kale nang makita ang eksena na iyon. Nagkatinginan ang dalawa bago tiningnan si Elliseo at Jeon na parehong mga walang pakialam.
"Kale, isama mo ang gago na iyan maghanap kayo ng inn o kahit hotel. Doon na tayo magpapalipas ng gabi," bored na utos ni Jeon kay Kale. Napakamot sa ulo ang babae sa idea na kung kailan malapit na sila sa resthouse tiyaka pa nagsabi si Jeon na manatili na lang muna sila sa inn.
Isang oras na lang na biyahe nandoon na sila sa resthouse pero dahil mukhang hindi na din kaya ni Elliseo napagpasyahan ni Jeon na mas mabuting sa inn na muna sila manatili pansamantala.
Sinama nga ni Kale si Creon para bantayan at para humanap ng inn. Tinatahak ng dalawa ang kalsada habang tumitingin sa paligid nang may mapansin si Creon na mga sasakyan hindi kalayuan sa direksyon na patutunguhan nila ni Kale.
"Bitawan mo ng ako!" asik ni Kale nang out of the blue hinawakan siya ng binata. Sinuot ni Creon ang hood niya gamit ang isang kamay — inikot si Kale at inaya ito na maglakad pabalik.
"Anong problema mo?"
"Mga tauhan ng mga Villiegas," bulong ni Creon. Bubulyawan ni Kale si Creon nang takpan ng binata ang bibig ni Kale at hinila ito sa kabilang eskinita.
"Hindi ako ang nagdala sa kanila dito. Huwag mo akong pagbibintangan," asik ni Creon bago tinanggal ang kamay sa bibig ng dalga na tinatangka siyang sipain.
"Paano mo maipapaliwanag ang pagsunod nila dito!" bulyaw ng babae na kinangiwi ni Creon.
"Hindi ko alam at wala akong alam," may diin na sambit ni Creon bago naiinis na sinuklay ang sariling buhok.
Hindi dapat malaman ng mga tauhan ng mga Villiegas kung nasaan si Elliseo. Ayaw ni Elliseo na umuwi kaya hindi matutuwa si Elliseo kung sapilitan ito dadalhin at alam iyon ni Creon.
"Bumalik na tayo— hintayin natin magdilim para makapuslit," ani ni Creon bago tumingin sa direksyon kung saan sila nanggaling kanina.
Nag-isip ng mabuti si Kale kung mapagkakatiwalaan nga niya ba ang lalaki. Kung nagkataon lang ba talaga na may tauhan doon ang mga Villiegas— sa isip ni Kale kung hindi nito sinabi na may mga tauhan doon ng mga Villiegas mahuhuli sila.
Maalarma ang mga ito dahil imposibleng hindi kilala ng mga ito ang nagpakilalang servant ng mafia boss.
"Anong ginagawa mo?" sandaling napatigil sa pag-iisip si Kale matapos makitang umakyat sa isa sa mga bakod na nasa loob ng eskinita.
"Hindi tayo pwede dumaan ulit doon. Napansin nila tayo— wala na tayong oras para maghanap pa ng daan dahil maya-maya lang siguradong may mga tauhan na makakarating kung saan natin iniwan sina master."
"So? Ang naisip mo dumaan sa mga bakod? Alam mo bang trespassing iyan?" hindi makapaniwala na sambit ni Kale habang nakatingala sa lalaking ngayon ay nakaupo sa ibabaw ng pader.
"Nauntog ka ba? Gasino na iyong makasuhan kang trespasser kumpara sa kasong kidnapping at murder. Hindi ako makapaniwalang takot ka makasuhan ng trespassing," natatawa na dagdag ng binata na kinagusot ng mukha ni Kale.
"Tangna mo sinong may sabi na takot ako? Baka nakakalimutan mo kung sino ako?" asik ni Kale bago balewalang tumalon pataas at mabilis na umikot para tumalon pababa sa bakod.
Napapalakpak si Creon matapos makita iyon at umarteng humahanga.
"Patayo ka na din kaya ng circus?" suhestyon ni Creon. Lumingon si Kale at tinaas ang gitnang daliri.
Humagalpak ng tawa si Creon bago tumalon pababa at tumakbo papunta sa gilid ng bahay at tinungo ang likuran nito. Mukhang walang tao kaya walang kahirap-hirap na tinalon ulit ng binata ang bakod. Kasunod nito si Kale na balewalang sinusundan ang binata.
Patuloy lang dalawa sa pagtawid-tawid sa mga bahay hanggang sa makarating sila sa eskinit kung saan katapat 'non ang daan kung saan sila nanggaling at kung saan nakaparada ang sasakyan nina Jeon.
"Tara na," ani ni Kale at hahakbang ang babae para lumabas sa eskinita nang hawakan ni Creon ang laylayan ng suot ng dalaga na sleeve.
"M-May problema tayo," bulong ni Creon na kinagusot ng mukha ng babae bago nilingon ang binata.
"Ano na naman ang prob—"
Nabitin ang sasabihin ni Kale nang mapatingin siya sa likuran ni Creon. May nakita siyang apat na aso at mukhang galit na galit iyon sa kanila.
"Bakit ba ang malas mo?" tanong ni Kale na may hindi makapaniwalang expression.
"Manahimik ka nga— minalas lang din ako 'nong nakasama kita," asik ni Creon bago nilingon ang mga aso.
Kinuha ni Kale ang patalim sa bulsa niya kaya napatingin si Creon.
"What the heck! Huwag mong sabihin na pati aso papatulan mo," komento ni Creon matapos makitang pinaikot ng dalaga ang patalim sa kamay nito
"Ayoko magpalapa pero kung gusto mo titirahan kita ng dalawa— magpakagat ka mag-isa," bored na sambit ni Kale. Hahakbang palapit ang babae sa aso nang hawakan ni Creon ang wrist ng dalaga at kinaladkad paalis.
Tumakbo sila kaya nagtahulan ang mga aso habang hinahabol silang dalawa patungo sa sasakyan nila.
Napatingin si Jeon at Elliseo nang makarinig sila ng mga tahol ng aso. Nakita nila si Creon at Kale na tumatakbo papunta sa direksyon nila.
"Don't tell me pati iyong mga aso servant mo at sinundan ang alaga mo papunta dito?" sarcastic na tanong ni Jeon sa binata.
"Mag-pretend ka na lang na hindi mo ito nakita at hindi mo sila kilala," sagot ni Elliseo. Pumasok sina Kale at Creon sa van at sinara ang pintuan.
Patuloy sa pagtahol ang mga aso. Napatingin ang mga ito sa direksyon nina Jeon at Elliseo na parehong nakaupo sa bench hindi kalayuan sa van.
Nang titigan sila nina Elliseo. Para naman mga tuta itong umatras ng sasakyan at puno ng takot na tumakbo palayo.
Medyo okay na ang pakiramdam ni Elliseo kaya sinundan niya si Jeon na papunta sa sasakyan.
Kasalukuyang sinisilip ni Kale ang mga aso sa labas ng sasakyan nang biglang hinampas ni Jeon ang bintana. Sa gulat napamura si Kale— napaatras at nahampas ang likod ng ulo niya sa noo ni Creon.
Parehong napamura ang dalawa habang hawak ang likod ng ulo at noo.
"Tatanga! Tanga ka bakit ka ba nasa likuran ko!"
"Ako pa tatanga-tanga ikaw nang-untog!" bulyaw din ni Creon. Napatigil ang dalawa nang bumukas ang pintuan.
Bumungad sa kanila si Jeon na naka-pokerface at si Elliseo na mukhang naaliw sa dalawa.
"Wala pa kayong isang oras magkasama mukhang close na kayo," komento ni Elliseo matapos makita ang posisyon ng dalawa. Naksiksik kasi ang mga ito sa kabilang bahagi ng sasakyan kahit malaki ang space.
Nagkatinginan ang dalawa hanggang sa ma-realize ang posisyon nila.
Hawak ni Creon ang bewang ni Kale out of instinct dahil sa pagdikit nito at nakasandal ang dalaga sa katawan ni Creon dahil sa bigla nitong pag-atras nang hampasin ni Jeon ang binata.
Agad nagkahiwalay ang dalawa. Bumuga ng hangin si Jeon at nag-cross arm.
"Anong nagawa niyo bukod sa pagpapahabol sa mga aso?" tanong ni Jeon sa dalawa.
"Umakyat kami sa mga bakod," sagot ni Creon dahilan para sikuhin siya ni Kale sa sikmura na kinamura ng binata.
"May mga tauhan ng mga Villiegas hindi malayo sa lugar na ito," sagot ni Kale. Kumunot ang noo ni Jeon at tiningnan si Creon na napataas ng kamay.
"Mag-isa ako pumunta dito at ako nagsabi sa babaeng iyan na tauhan iyon ng mga Villiegas," dagdag ni Creon bagi tiningnan si Elliseo na may malalim na iniisip.
"Sigurado ka na mga tauhan iyon nina dad?" tanong ni Elliseo. Humawak si Creon sa baba niya at umiling.
"Pero sabi mo tauhan iyon ng nga Villiegas! Nagsisinungaling ka ba?" asik ni Kale kay Creon na kinangiwi ng binata.
"Hindi ako nagsisinungaling dahil pagkakaalam ko tauhan talaga iyon ng mga Villiegas pero hindi ako sigurado kung kanino sila nagtatrabaho. Kung si Master pakay nila dito at alam ito ni young master Elija— siya mismo ang aabang sa kalsada na iyon kasama ang iba pang tauhan niya . Alam ni young master na may trust issue si master at hindi ito sasama kung sakali," sagot ni Creon na may hand gesture pa at nagkibit balikat.
Hindi ang tipo ng mga Villiegas ang basta na lang magpapakalat ng mga tauhan para lang hanapin ang iisang tao. Lalo na kung ang taong iyon ay iyong tipong hindi basta nakikidnap.
Nagdududa din si Creon sa mga nangyayari dahil sa kahinahinalang ginagawang kilos ng mga Villiegas. Ngunit hindi siya nagtangkang mangialam o alamin pa ang ginagawang plano ng mga Villiegas dahil malinaw ang utos sa kanya ng former mafia boss.
Ang responsibilidad niya ay bantayan at protektahan si Elliseo sa lahat ng pagkakataon. Wala siyang kahit na anong obligasyon sa labas at loob ng organization ng mga Villiegas maliban sa maging kanang kamay ni Elliseo in future at alalayan ito as a private servant.
"Iwan na lang natin dito ang sasakyan at umalis na tayo," ani ni Jeon na kinatingin ni Creon.
"Maglalakad tayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Kale.
"Hindi na kaya ni Villiegas bumayahe— magsimula na tayo maglakad para bago pa dumilim may mahanap na tayong matutulugan," utos ni Jeon bago binuksan ang unahan ng van at may kinuha doon.
Nagtaka si Creon dahil sa asal ng babae at sa sitwasyon na iyon pero hindi ito nagtanong pa ang binata.
"Dalhin mo ito," ani ni Jeon na may hinagis kay Elliseo na agad sinalo ng binata.
"Ano titig ka na lang diyan? Baba na!" asik ni Kale. Sumama ang mukha ni Creon at bumaba ng sasakyan. Sinabihan niya pang masungit si Kale kaya tinangka siyang suntukin ng dalaga.
Nasa unahan sina Jeon at Elliseo habang sina Kale at Creon ay nakasunod lang sa dalawa. Tinatahak nila ang kabilang kalsada kung saan malayo sa daan kung saan nila nakita ang mga tauhan ng mga Villiegas.
Sinusundan ni Elliseo si Jeon habang si Creon naman ay hindi maalis ang titig kay Elliseo.
Hindi kasi makapaniwala ang binata na sa ilang taon na pagkakakilala nila ngayon niya lang nakita na sumunod sa ibang tao si Elliseo bukod sa ina nito.
Nawi-wierduhan si Creon sa kinikilos ng binata at sa babaeng miyembro ng black circle na kumidnap sa master niya.
"May kinabit ba kayong kung ano sa utak ng master ko para mapasunod niyo?" out of the blue na tanong ni Creon.
"Kung meron sa tingin mo sasabihin namin sa iyo?" banat ni Kale na kinangiwi ni Creon.
"Ako nga dapat magtanong kung may lahing mangkukulam ang mga Villiegas eh. Anong hokus focus ang ginawa ng master mo sa kasama ko," dagdag ng babae na napairap na lang sa kawalan.