Chapter 06
3rd Person's POV
Sinampa ng isa sa mga miyembro ng black circle sa likod ng lalaking may code name na Hunter si Elliseo. Binuhat nito ang binata palabas ng unit at pasakay ng elevator.
Pero dahil public property ang lugar na iyon pinagtitinginan sila ng mga tao. Ang ilan sa kanila ay nagmukhang mga kahina-hinala dahil kinailangan nina Jeon na mag-disguise dahil makakasira sa image nila as an artist once na makita sila sa public.
Mas lalo silang pinaghinalaan matapos makitang may buhat ang isa sa kanila na walang malay na lalaki which is tulog naman talaga.
Hinarang sila ng gwardya dahil kay Elliseo pero may pinakita ang isa sa dalawang lalaki na kasama nina Jeon na I.D. Nanlaki ang mata ng gwardya at pinagbuksan pa sila ng glass door.
Lumabas sila at tiningnan ni Jeon ang gwardya. Tiningnan ulit ng dalaga ang isa sa mga kasama ng may paghihinalang expression.
"Hindi mo naman pinakita ang Doctor I.D mo diba?" tanong ni Jeon na kinatingin ng binata.
"May problema ba sa I.D ko?" tanong ng binata na kinatawa ni Kale.
"Bukod sa Psycharatist ka at pinalabas mong mental patient ang taong dala natin palabas wala namang problema," half sarcastic na sagot ng dalaga na si Jeon at inismiran ang binata. Napatigil ang lalaki sa attitude na iyon ni Jeon.
Pinasok ng lalaki si Elliseo sa van na dala nina Jeon. Nagpasalamat si Kale pero si Jeon ay balewalang pumasok lang din sa van at hindi pinansin ang dalawang lalaki.
"Salamat sa amin Crimson ah!" sarcastic na sambit ng lalaking may code name na hunter mula sa labas ng van. Binuksan ni Jeon ang bintana sa driver seat anng sumakay si Kale sa driver seat.
Napamura si Hunter nang may lumipad kumpol ng pera sa mukha niya. Nasalo iyon ng binata bago nahulog at nanlaki ang mata ni Hunter matapos makita iyon.
"Crims—"
Hindi naituloy ng binata ang sasabihin nang pinaharurot ng dalaga ang sinasakyang van paalis. Napamura ang binata sa idea na minamaliit ng babae ang buong pagkatao niya.
"Nice, may pang-hang out tayo mamaya," komento ng kasama nitong lalaki na kinatawa ng dalaga na kasalukuyang nakatingin sa van na papalayo.
"Dignidad ko ang natapakan dito tapos alak at babae na naman ang nasa isip mo. Anong klase kang kaibigan," asik ng binata na kinatawa ng kasamahan nito.
"Matagal ng durog ang dignidad mo at hindi tayo mabubusog sa dignidad— kaya huwag mo ng dibdibin iyon at pumunta na tayo sa bar ni phoenix!"
"Nakakahiya kayo."
Habang nasa biyahe tahimik lang si Jeon na nagda-drive. Inangat ni Jeon ang face mask na suot niya at tiningnan ang wrist watch niya. Maya-maya tinabi ni Jeon ang sasakyan niya after 2 hours.
Napatingin si Kale matapos ihinto ng babae ang sasakyan kaya tumingin ang dalaga sa labas ng sasakyan.
"Anong problema?"
"Magigising na si Villiegas," sagot ni Jeon bago lumabas ng sasakyan. Umikot ang dalaga at binuksan ang magkabilang pintuan ng van.
Nanatili naman sa loob si Kale at maya-maya narinig niyang napamura si Elliseo matapos mauntog sa bubong ng mataranta ito nang makitang nasa loob siya ng sasakyan.
Maya-maya napatigil din ito matapos makitang bukas ang magkabilang bahagi ng van at malawak iyon. Tumingin sa paligid si Elliseo at napatingin kay Kale na nakasuot ng face mask.
Tinuro ng babae ang labas matapos mapansin na parang may hinahanap ang mafia boss. Lumabas si Elliseo at nakita niya ang bulto ni Jeon na nakasandal sa likod ng van. Humihithit ito ng sigarilyo at dahil mukhang walanh takip ang mukha nito hindi na lumapit ang binata at naglakad palapit sa gutter.
Maraming puno sa direksyon na iyon at habang nakatayo doon, tumingala ang binata— tumatama sa mukha niya ang sinag ng araw. Inangat ng binata ang kamay para takpan ang sinag ng araw na tumatagos mayabong na mga dahon.
Natutuwa si Elliseo dahil doon. Napatingin sa direksyon niya si Jeon na agad tinapon ang hawak na sigarilyo bago inangat ang face mask na suot.
Pinagmasdan lang ni Jeon si Elliseo at maya-maya napatingin sa kaniya ang binata— kasabay ng pag-ihip ng hangin ang pagguhit ng ngiti sa labi ni Elliseo at paglapit sa kaniya.
"Wala bang malapit na street foods dito? Pwede ba kumain muna tayo sandali bago umalis?" tanong ni Elliseo. Lumabas si Kale sa sasakyan at tiningnan ang dalawa.
"Crimson, hindi pa ba tayo aalis?"
"Gusto kumain ng kupal na ito. Samahan mo sa park," utos ni Jeon sa dalaga. Lumiwanag ang mukha ni Kale matapos marinig iyon.
Kapag nasa biyahe kasi sila ayaw ni Jeon na may umiistorbo sa biyahe at kahit gusto ni Kale kumain sa mga streets foods lalo na sa bahaging iyon ng lugar— hindi siya makakain dahil napaka-kill joy ng babae.
"Tara! Mafia boss! Alis! Gutom ka na diba! Tara!" excited na sambit ni Kale bago hinila ang lalaki na agad sumama sa dalaga.
Hindi na inisip ni Kale ang treatment ni Jeon sa binata at mas nag-focus sa idea na makakain na ulit siya ng street foods. Once in a life time lang iyon sa buhay ng dalaga dahil lagi siyang mission at sa kasamaang palad hindi marunong makisama ang lagi niyang partner.
Tinungo nila ang park na medyo malayo sa sinasakyan nilang van. Maraming bata doon, vendors at mga estudyante na naagaw ang pansin matapos dumating si Elliseo kasunod si Kale.
Maraming tao sa paligid— karamihan sa mga babae napapalingon sa direksyon ni Elliseo dahil sa taglay nitong kagwapuhan at karisma. Kahit nagmukhang wierdo si Elliseo dahil sa pink nitong damit at gray na pajama— sinamahan pa ng napakahabang coat nadala iyon ng maayos ng binata.
Lumapit sina Kale sa fishball and kikiam vendor. Agad bumili si Kale matapos tanungin ang binata kung gusto niya 'non.
"Teka hindi natin ibibili iyong kasama mo?" tanong ni Elliseo sa babae matapos siya abutan ni Kale ng pagkain.
"Hindi kumakain ng ganito si Jeon— madumi daw ewan ko doon masyadong maarte," sagot ni Kale habang tumutusok ng fish ball.
Ginala ni Elliseo ang paningin sa paligid hanggang sa mapako anv tingin niya sa ihawan at nagtitinda ng palamig.
"Gusto ko din 'non," ani ni Elliseo matapos hilahin ang laylayan ng suot na sleeve ng dalaga. Napatingin si Kale at tiningnan ang tinuturo ng mafia boss.
"Fine! Fine bibilhan din kita huwag kang magulo kumukuha pa ako ng fishball."
Dahil mukhang matagal pa doon si Kale umalis na ang binata at tinungo ang ihiwan. Kumunot ang noo ni Jeon matapos makitang mula sa kinatatayuan niya nakita niya na naglalakad palayo ang mafia boss habang busy si Kale sa pagbili ng fishball.
Sa pag-aakalang tatakas ito mabilis na tinungo ni Jeon ang park at sinundan si Elliseo.
Napahinto ang binata sa paglalakad nito sa direksyon ng ihiwan nang may makita siyang batang pulubi. Nakaupo ito sa ibaba ng bench habang hawak ang tiyan at nakatingin sa mga taong nagpi-picnic.
Umikot si Elliseo at naglakad patungo sa bata. Umupo ito sa bench na kinatingin ng batang lalaki.
Inabot nito ang hawak niya na pagkain sa bata.
"Malinig iyan kainin mo. Alam kong gutom ka," sagot ng binata na kinaliwanag ng mukha ng batang lalaki.
Agad iyon kinuha ng bata at mabilis na kumain. Nakatingin lang si Elliseo sa batang lalaki hanggang sa lumapit si Jeon na ilang minutong nakatayo mula sa kalayuan habang pinanonood si Elliseo.
"Sinong may sabi sa iyo na pwede ka lumayo kay Kale?" tanong ni Jeon na kinatingin ni Elliseo. Napatayo ang mafia boss matapos makita ang galit sa mata ng babae na sobrang pamilyar sa kaniya.
Last na nakita niya ang ganoon na expression sa asul na mata ng babae ay muntikan na siya nito mapatay.
"Gusto ko lang bigyan ng pagkain ang bata— sorry," bulong ni Elliseo. Napasapo si Jeon sa noo matapos makitang naalarma ang mafia boss matapos mapako ang tingin nito sa mata niya.
May dinukot si Jeon sa bulsa ng suot niyang Jeans at pinantayan ang batang lalaki na napaangat ng tingin.
Nag-abot ng 5thousand ang dalaga na kinalaki ng mata ng batang lalaki.
"Ibili mo iyan ng makakain mo," ani ng dalaga na kinaliwanag ng mukha ni Elliseo.
"Ano pang ginagawa mo diyan? Tara na— bibili ka pa ng pagkain mo diba? Wala na tayong oras," asik ni Jeon matapos ito tumayo at tumalikod.
Agad naman siya sinundan ni Elliseo at sinabayan ito sa paglalakad.
"Gusto ko ng isaw at palamig,"request ng binata. Tinungo nila ang bilihan isaw at mabilis na kumuha si Elliseo.
Inabot ni Elliseo ang inihaw na dugo kay Jeon na napakunot ng noo. Tiningnan lang iyon ng babae— tiningnan niya si Elliseo ma hindi naman nakatingin sa kaniya at gamit ang isang kamay nilalantakan din ang inihaw na dugo.
Nang makitang kumakain si Elliseo kinuha na din iyon ng babae. Inangat ni Jeon ang hood at binaba ang face mask na suot.
Alanganin na tinikman iyon ng babae at napatigil ito matapos malasahan ang pagkain.
"Nasaan na si Mafia boss?" tanong ni Kale nang mapansin niyang nawala si Elliseo sa tabi niya.
Ginala niya ang paningin sa paligid hanggang sa mapatingin siya sa direksyon kung nasaan ang ihawan. Nakita niya si Jeon at Elliseo na lumalantak sa ihawan.
Natutuwa na lumapit doon si Kale at nakisama kina Jeon. Inasar pa ni Kale si Jeon na si Elliseo lang pala ang magiging dahilan para mawala ang pagiging clean freak ng dalaga.
Nang matapos sila kumain bumalik na sila sa van. Pumasok si Elliseo sa loob at iniinom ang binigay ni Jeon na isang tableta.
Pumasok si Jeon sa driver seat habang hinihintay si Kale na naghahanap ng comfort room sa loob ng park.
"Kailan ba 'nong huli ko itong naramadaman— ang tagal na din pala," bulong ni Elliseo habang nakaupo sa isa sa mga upuan ng van habang nakasandal dito at nakatingin sa ilabas.
Napatingin si Jeon sa rare view mirror matapos marinig ang boses ni Elliseo.
"Last na pumunta kami dito 'nong 6th birthday namin— iyon ang pinakamasayang araw para sa akin pero at the same time— malungkot," namumungay ang matang sambit ni Elliseo at pahina ng pahina ang boses.
"Nawala ang bunso naming kapatid at kasalanan ko din— lahat," dagdag ng binata bago tuluyang hinila ng antok at pumikit.
Napahawak ng mahigpit si Jeon sa manubela at palihim na naggitgit.
"Bakit lahat kailangan kita malaman? Pinamumukha mo ba talagang mas naging malupit sa iyo ang tadhana kaysa sa akin," may diin na bulong ni Jeon at may hindi maintindihan na expression.
Maya-maya dumating si Kale. Agad nito sumilip sa bukas na pintuan ng van— nakita niyang tulog na si Elliseo. Tiningnan niya naman ang unahan at nakita niyang nasa passenger seat si Jeon. May hawak itong lalagyan na alam niyang alak.
"Isara mo na ang pintuan ng van at ikaw na muna ang mag-drive," malamig na sambit ni Jeon. Agad naman sumunod ang babae at sinara ang mga pintuan ng van.
Umikot din ang babae papunta sa driver seat at sumakay. Sinuot niya ang seatbelt bago sinimulan i-start ang van.
"Anong dahilan at mukhang wala ka naman sa mood? Nakatanggap ka ng tawag kay phoenix?" tanong ni Kale bago pinaandar ang sasakyan. Katulad ng inaasahan ng dalaga hindi nagsalita si Jeon at pinagpatuloy ang pag-inom ng alak.
Madalas hindi maintindihan ni Kale ang ugali at mood ng dalaga pero alam ni Kale kung anong klaseng hirap ang nararansan ngayon ng babae dahil sa sitwasyon nila.
Out of the blue napunta sa babae ang mission sa black list kung saan pinaghihinalaan ng organization nila na kinuha ng mga Villiegas. Kasama na doon ang reality na ang taong kumuha 'non ay ang isa sa mga taong naging dahilan ng pagkamatay ng anak nito at mapapangasawa.
Sobrang hirap 'non para sa babae pero wala itong mapagpipilian kung hindi ihiwalay ang personal na galit sa trabaho.
Nagpatuloy ang mahabang biyahe at tuwing 2hours humihinto sila para kay Elliseo na malaki ang trauma sa mga sasakyan.
Pero 'nong malapit na sila sa resthouse. Pagkagising na pagkagising ni Elliseo tumakbo ito palabas ng sasakyan. Agad ito sinundan ni Jeon.
Napahawak si Elliseo sa katawan ng puno at nagpatuloy sa pagsusuka. Muntikan pang matumba ang binata 'nong makaramdam ito bigla ng hilo.
Nanlalamig ang katawan ng lalaki at pinagpapawisan ito kaya agad tinawag ng dalaga si Kale.
"Crimso—"
"Bumili ka ng tubig at mint candy. Maghanap ka din ng white flower sa malapit na drug store. Bilisan mo," utos ni Jeon habang inaalalayan si Elliseo na umupo sa pinakamalapit na bench.
"Mukhang hindi maganda ang side effects ng sleeping pills," ani ni Jeon matapos makitang namumutla ang lalaki.
Maya-maya lang dumating na si Kale at napatayo si Jeon matapos makitang may kasunod itong lalaki at kasalukuyang nakatutok ang baril sa ulo ng kasama.
"C-Crimson."