Chapter 38 3rd Person's POV Mabilis na lumipas ang isang linggo at dumating na din ang limang bata sa mansyon. "Mommy, daddy!" sigaw ng kambal at tumatakbong lumapit sa dalawa. Kasunod ng mga ito sina Fourth na nakapako ang tingin kay Elija na balut na balot. Nakasuot kasi ng longsleeve si Elija at scarf. "May sakit ka ba dad?" tanong ni Fourth matapos makalapit sa kanila. Alanganin na ngumiti si Elija at umiling. "Marami kasing lamok kagabi. Pinapak ako kaya ito ang daming red mark hanggang sa leeg ko," ani ni Elija. Hindi naintindihan iyon ng triplets kaya natawa si Elija. Pumasok sa isip ng binata na may mga bagay pa din pa lang hindi alam ang mga anak niya. Kinurot lang ni Lindsay si Elija sa braso na natawa na lang. Niyaya ni Lindsay ang mga anak papasok ng bahay at tinanong