Chapter 39 3rd Person's POV Pumunta ang dalawa sa flower shop para maghanap ng mga bulaklak. Maraming costumer at ilang staff ang napatingin sa direksyon nila. "Mr.Villiegas— nandito ka ulit? Same order ba?" tanong ng lalaking lumapit sa kanila. Mukhang iyon ang boss ng flower shop. Tiningnan ni Elija ang lalaki at pamilyar sa kaniya ito. May kahawig ang lalaki kaya hindi maiwasan ni Elija titigan ito. Tiningnan siya ng lalaki— siniko ni Elliseo ang kapatid. "Biological father 'nong dalawang pugo na minsan natin naka-sparring sa gymnasium 'nong highschool. Iyong dalawang Percys," ani ni Elliseo. Napasapo sa noo si Elija. "Sorry Mr.Sanchez. Kaya pala familiar kayo," ani ni Elija. Ngumiti lang ang lalaki at pinapasok sila sa loob ng shop. Sa flower shop na iyon nago- order ng mga