Chapter 18 3rd Person's POV Tinakpan ni Elija ang bibig matapos bumaliktad ang sikmura niya 'nong sinubukan niya kumain. Binaba ni Sylvia ang kutsara at nag-aalalang tiningnan ang anak. "Anong gusto mong kainin? Ipagluluto ka ni mommy," ani ni Sylvia. Kumuha ng towel ang ginang at pinunasan ang pisngi ng anak. Lagi kasi ito palaging naliligo sa pawis kahit mababa naman ang temperatura ng kwarto. Hindi na din nito magawang kumain ng maayos dah naisusuka lang nito lahat ng kinakain niya. "Mom, ayoko na kumain," ani ni Elija. Lumambot ang expression ni Sylvia. "Kailangan mo kumain— mas lalo kang manghihina kung hindi ka kakain," sagot ni Sylvia. Alanganin na lumapit si Lindsay sa kama— may hawak itong lalagyan. Ginawa niya iyon 'nong nasa kusina sila ni Sylvia. Dinurog niya iyong