Chapter 19 3rd Person's POV Nakaupo si Elliseo sa ibaba ng kama— nakasandal sa pader. Ganoon din ang posisyon ni Rogue na nasa kabilang bahagi ng kama. Walang nagtangka na lumapit sa kama na kinahihigaan ng walang buhay na si Elija kahit ang ina nito na si Sylvia. Walang nagtangka na lumapit sa katawan ni Elija. "A-Ate," ani ni Jullian matapos mag-iba ang kilos ni Lindsay. Wala ito sa sariling lumapit sa kama. Tumigil ito sa gilid ng kama at tiningnan ang walang buhay na katawan ni Jullian. "M-Masaya ka na ba Elija? Iniwan mo na naman ako katulad 'nong ginawa mo sa basement," bulong ni Lindsay. "Sabi mo babalikan mo ako 'non sa basement— hindi mo ginawa tapos ngayon nahanap na kita, iiwan mo ulit ako?" tanong ni Lindsay. Iniyukom ni Lindsay ang kamao. "Masyado kang unfair Eli