Chapter 20 3rd Person's POV Malalim na ang gabi. Nagising si Elija nang pawisan matapos managinip ng apoy. Hinawakan ni Elija ang noo at bumaba ng kama. Tinungo niya ang pintuan palabas ng kwarto para uminom ng tubig. Naglakad ang binata pababa ng hagdan at tinungo ang kusina. Nakita niya na bukas ang ilaw—naaninag niya ang bulto ng babae. Nakita niya si Lindsay na kasalukuyang umiinom ng malamig na tubig. Napalingon ang babae at nakita niya si Elija na mukhang nagulat matapos siya makita. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Lindsay matapos isara ang fridge at ibaba ang baso sa lamesa. Lumapit ang dalaga sa binata para abutin ang noo ni Elija. Sinalo iyon ni Elija. Nagkatinginan ang dalawa kaya nabitawan ni Elija ang kamay ng babae. Napa-pokerface si Lindsay at binaba ang kamay. Hin