Claire's
"Manang, pakidala na lang po nito sa labas." Inilapag ko sa lamesa ang isang tray na mga tinuhog na marinated pork.
"O, siya, sige ako na riyan, Claire at lumabas ka na, kanina ka pa dito sa kusina, hinahanap ka na ng asawa mo," sabi ni manang.
"Sige po, manang Lucing, kung kailangan niyo po ng tulong nasa pool lang po ako," paalam ko sa kaniya. Sinulyapan ko siya bago lumabas ng kusina. Pumanhik ako sa taas para magbihis.
Last week I decided to take a break from work. Together with my crew, we went here to Palawan for a short vacation. The stay is only for two days, just enough for me to recharge from my hectic schedule. Dinala ko na rin ang lahat ng tauhan ko sa Glamour Gems para na rin makapagpahinga sila, at pati na rin si Niu, mabuti na lang at pumayag kahit na ang dami niyang trabaho sa opisina dahil sa mga expansion projects nila.
Nilatag ko sa kama ang lahat ng bikini na dala ko. I made sure to come here ready for this. Tiningnan ko ang nakahilerang swimsuit, pinili ko talaga iyong mga matitingkad ang kulay para mas attractive. Yellow, orange, apple green, and red. The designs provide only minimal coverage of the body, I made sure to choose all the skimpiest bikinis in my closet. Napahagikhik ako sa naisip, siguradong nagugulat silang lahat kapag suot ko na 'to.
The red bikini has the smallest fit. It's an underboob bikini with bowknot ties for the top and bottoms for a functional and decorative element. The bottom is a high-waisted g-string style. My behind would be waving them hi if I wear this. Napakagat ako ng labi, this is way too revealing for my taste but I think this will be the perfect bikini to wear.
Kinuha ko ito at pumasok na sa banyo para isuot ang bikini na napili. I looked at myself in the mirror, the only parts of my body that are covered is the center of my breasts and the triangle part below. Lantad na lantad ang likurang bahagi ko.
It's very revealing and scandalous. I turned around to check on my backside, the only fabric present is a string that traced my crack. This is, so far, the skimpiest bikini I've ever worn. I applied on my favorite red lipstick and smiled seductively at the mirror. Ginulo ko ang buhok at hinawi iyon pagilid sa balikat ko.
Perfect!
Now all I must do is to act like I'm so into Niu. Kate will be my photographer for today though she hated the idea. Pinilit ko pa para dito.
I took a picture of myself and immediately posted it on i********:, hindi ako masyadong nagpo-post sa mga social media accounts ko, only on occasions like this, with the number of followers that I have, plus the latest scandal, I'm sure this will gain the netizen's attention.
Hindi ako nag abalang mag-suot ng cover-ups, I just let my body be flaunted. Kami lang naman ang nandito.
Pagkababa'y dumeritso agad ako sa pool area. We rented a native two-story beach house here in Palawan. Just like in Batangas, it also has a swimming pool, you can choose whether to go sunbathing on the beach or just take a relaxation here at the pool.
Maingay silang nagtatawan habang nagba-barbique naman si Donnie na tinutulungan ni Amelia. Nando'n na silang lahat pati sina manang Lucing at Girlie. Hinanap agad ng mata ko si Kate na prenteng nakahiga sa isa sa nga sun lounger, she wore a deep low neckline one-pice bikini in yellow.
Inilibot ko ang paningin sa buong pool area pero hindi ko nakita si Niu, saan kaya ang isang iyon?
Mas lalo pang lumakas ang hiyawan nila kaya napatingin ako sa gawi nila, ang akala ko ay hindi pa nila ako nakita, pero lahat sila ay nasa akin na pala ang tingin. They were cheering and laughing.
"Grabe, sir Niu, natulala. Hindi nakapagsalita," naghiyawan ulit sila. Lahat ng tingin nila ay nasa likod ko.
Agad akong pumihit at doon nakatayo si Niu sa likod ko, parang natuklaw ng ahas at nakanganga ang bibig.
Niu is standing just a few feet away from me. He's on his swimming trunks, six-pack abs and hard biceps are on display. His eyes were looking down at my behind when I turned to him. He looked so shocked and scandalized, it was like he became problematic all of a sudden.
Narinig ko muli na naghiwayan sila, napailing na lang ako at ngumiti kay Niu. He was still dazed and I wanted to roll my eyes at him.
Tuluyan na akong humarap sa kaniya. His burning eyes scanned from my over-exposed breasts to the triangle on my center that was barely covered. Nahihiya man ay nilakasan ko ang loob, ito ang unang beses na gagaein ko ang bagay na 'to. I feel bad for involving Niu.
"What?" I asked him as inched close to him. When our bodies are just inches apart, I held his chin and pushed it up to close his mouth. Natawa ako, I didn't know I had this effect on him.
Let the show begin!
"Ha?" nalilito niyang tumingin sa akin. He looked me in the eye, and again, I saw the glint of fear and worry in there with a mixture of lust. Kumunot ang noon ko, bakit naman siya matatakot? Mayroon ba siyang kinatatakutan?
"I've been looking for you, saan ka ba galing?" I tiptoed and kissed the side of his lips. Nanigas siya sa ginawa ko at bahagyang napaatras pero binalewala ko ito at ikinawit ko ang braso sa kaniya. I know the camera's rolling now and my best performance is expected here.
"S-sa kusina lang," tipid niyang sagot, nauutal. Hinila ko siya patungong pool at hindi siya nagprotesta. I made sure to have skin contact with him every time our bodies get a little too close, just like now. Palihim kong tiningna si Kate na kaswal na itinaas ang cellphone niya.
Lumapit kami sa kanila. They were all busy doing stuff.
"Grabe ka, ma'am Claire, ikaw na talaga!" komento ni Jen. Itinaas pa nito ang dalawang kamay at umaksyon na nag-bow. Nasa tabi ito ni Amelia na nagba-barbeque.
"Ang sexy n'yo po, ma'am Claire, ngayon ko lang kayo nakitang mag-bikini sa personal. Grabe, ang kinis n'yo po,"
"Oo nga po, ma'am Claire, kaya po pala kayo ang nanalo kasi ang sexy n'yo po talaga."
"Naku, hindi naman," natatawa kong tugon, nasa tabi ko Niu, I insisted on sharing a lounger with him. Ang nangyari, ako 'yung nakahiga at siya naman ay nakaupo sa gilid ko, parang naasiwa pa, kamot ng kamot sa batok niya. Maybe he got conscious with my outfit, hindi ko siya masisisi dahil nakakaasiwa naman talaga ang suot kong bikini.
Parang nakunsensya naman ako ng kaunti, aligaga kasi siya at kaunting pagdikit lang ng balat namin ay para siyang napapaso. Mataman ko siyang tinitigan, may tinatago ba ang isang 'to sa akin? Sabagay, hindi naman masyadong open itong si Niu sa akin.
"Okay ka lang?" pukaw ko sa kaniya, parang ang lalim ng iniisip.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umayos ng upo paharap sa kaniya. I extended my right hand and putting it on top of his legs, near the crotch area. In my peripheral vision, Kate's phone flashed and a triumphant smile appeared on my lips. I moved my hand, rubbing it on his exposed, hairy legs.
Gimbal siyang tumingi sa akin at agad na hinawakan ang kamay kong humahaplos sa hita niya.
"What are you doing, Claire?" mahinang tanong niya. Luminga pa siya para siguraduhing walang ibang makakarinig sa kaniya. He was still holding my wrist.
"Nothing, I was just asking you if you're okay," inosente kong tugon sa kaniya. He noticed.
"C'mon, I know you're up to something,"
"Yeah?" In one swift moved I sat astride him and locked my arms around his neck.
"F*ck! Damn, Claire!" mahinang mura niya. He was taken aback, completely shocked. "F*ck, don't do this, please. Gusto ko pang mabuhay!" Asik niya, nagtitimpi.
His hand landed on my hips and pushed me a little, hoping to put a distance between our bodies. Nanggigigil niyang pinisil ang balakang ko habang hinahabol niya ang kaunting hingal.
"Wala naman akong ginagawa, ah?" maang kong tanong.
His growing bulge poked my center when I pressed myself closer to him. Nanindig ang balahibo ko.
"F*ck!" nag-mura ulit siya. Inilibot niya ang matipunong braso sa bewang ko at bigla akong binuhat paalis sa kandugan niya. Mabilis siyang tumayo at umalis nang hindi ako nililingon. Napakagat ako sa labi.
I'm so, Niu.
Hinabol ko siya at agad na hinuli ang braso niya. Bumaling siya sa akin at seryoso akong tiningnan.
I know I crossed the line when I sat on his lap. Galit kaya siya? Mukha naming hindi, mas mukhang siyang kabado.
I will be posting all those pictures on my IG account. The other side of me felt guilty for using Niu, halata kasi masyado na naasiwa siya sa kinikilos ko, and I can't blame him. Hindi naman kasi ako ganito dati sa kaniya. I'm the touchy kind of woman, I always put a decent amount of distance between us whenever we are near.
Don't worry, Niu. Last na talaga 'to, promise!
"Niu, samahan mo ako, I'll go take a dip," anyaya ko sa kaniya. Binalingan ko si Kate na tahimik lang simula pa kanina, "sama ka Kate, kanina ka pa nakahiga d'yan."
Hinila ko na si Niu patungong beach, hindi siya umimik at magpatianod lang sa paghila ko. We
spend the whole afternoon in the beach. This is nice, having the time to spend with the people who helped me a lot. Napangiti ko ng makitang matinis na tumili si Amelia habang tumatakbo kasunod si Donnie, may nakuhang isang maliit na alimango si Donnie at pinangtakot niya kay Amelia.
They took pictures while we are enjoying the sun's heat. Sa bawat pag-click ng camera ay sinigurado kong magkadikit talaga kaming dalawa ni Niu.
Nang mapagod ay nagpahinga sila sa native cottage. Malapit nang lumubog ang araw at hindi na masakit sa balat ang init nito.
Masarap ang ganitong buhay, wala kang masyadong iniisip. Wala kang standards na dapat sundin, iyong malay kang ipakita ang totoong ikaw. Iyong malaya kang ipakita ang mga kahinaan mo nang hindi inaalala ang sasabihin ng ibang tao.
Si Niu at manang ay masayang nag-uusap kasama si Girlie na parang naiilang kaharap si Niu, mahina akong natawa, parang may gusto pa ata itong batang 'to sa asawa ko. I actually don't mind, it's not like we're a real thing. If ever the time comes that Niu will find the woman he really wanted to spend his life with, I won't mind if asks for his freedom.
This marriage is a prison cell, masaya ako dahil mabait naman si Niu pero alam kong iba pa rin ang saya kapag kasama mo 'yong taong mahal mo. Love?
Napabuntong hininga ako sa naisip. A part of me wanted to stop this insanity, it was reining me. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko itong kabaliwang sinimulan.
"Hey, okay ka lang ba? Ba't nag-iisa ka lang dito?" Lumapit si Kate sa akin habang bitbit ang dalawang wine flute, binigay niya ang isa akin.
"Thank you, nag-iisip lang," ngumiti ako sa kaniya at tinanggap ang wine flute. Umupo siya sa tabi ko.
"Sino na naman 'yan? Si Sebastian na naman? Naiinis na ako sa lalaking 'yan ha,"
Mahina akong natawa sa sinabi niya. Humulig ako sa kaniyang balikat at pinikit ang mga mata. Papagabi na at nagsimula nang lumamig ang simoy ng hangin.
"Alam mo, minsan naisip ko masyado tayong pinaglalaruan ng tadhana." Pinagmasdan ko ang kulay kahil na papalubog na araw. Mas lalo akong nalungkot, parang ang lungkot lang tingnan ng araw habang unti-unti itong lumulubog papailalim sa dagat.
May mga bagay na hindi natin kayang kontrolin gaya nitong paglubog at pagsikat ng araw. Nakakalungkot lang isipin na parang ang lapit-lapit lang pero hindi puwedeng hawakan.
"Claire, you are the captain of your own ship, you sail to your destiny. May mga bagay man na hindi natin hawak pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi mo na puwedeng subakang hawakan. You know that yourself. 'Di ba napatunayan mo na 'yan? You wanted so much to join the national competition but your father won't let you. Pero nagawan mo ng paraan, and you succeeded. You just have to follow what your heart desires," mahaba nitong pahayag.
Pero iba na ngayon dahil may masasaktan akong tao, mga taong nakapalibot sa akin na naging malapit na rin. Si Niu, what will he feel if I tell him the truth? Paano na ang mga magulang niya? Sigurado akong masasaktan ko sila pati na rin ang mga magulang ko.
"Hindi ko kayang saktan ang mga magulang ko. Marami ang maapektuhan, Kate."
"It's your choice, Claire. Basta nandito lang ako palagi para suportahan ka sa lahat ng magiging desisyon mo. All your life, you've been dictated, it's time for you to decide for yourself. Just choose to be happy, Claire. Just be happy, you deserve it."
Yumakap ako sa kaniya at humugot ng malalim na hininga. It's so good to have a friend who will
never judge you. Kung nandito lang ang kapatid ko siguradong iyon din ang sasabihin niya. Magagalit iyon dahil nagpapatalo ako. Nanubig ang mga mata ko at pinigilan kong pumatak ang mga luha ko. I am so torn, I wanted to breakfree but I am afraid of the judgment. I wanted to follow my heart but I don't want to hurt the people around me.