SIX: "Beginning." NAPATINGIN si Luther sa bedside table ng kama ng kwartong kasalukuyang tinitigilan niya rito sa Maynila. Tumutunog ang kanyang nakabukas na laptop dahil tumatawag via Skype ang pinsan niyang si Brandon. "Hey, bro!" cool na bungad nito nang sagutin niya ang tawag. Tumango lang siya at tipid na ngumisi. He couldn't be cool now that he's still has the hots for Karen Montgomery! "Kumusta d'yan sa Maynila?" Nagkibit-balikat siya. "Ayos lang." Hindi ganoong maayos, sa totoo lang dahil simula ng gabing 'yon sa bar ay ginulo na ng babaeng iyon ang isipan ko! Hindi niya naisatinig bagkus ay nag-iba na lamang siya. "Napatawag ka?" "Wala lang. Nangangamusta lang. Bakit? Bawal na bang mangamusta ngayon sa mahal kong pinsan?" ngumisi ito. Inaabot na naman ng