CHAPTER 5

1493 Words
FIVE: "Client."   INIRAPAN lamang ni Karen ang baklitang kaibigan sa maiintrigang mga tanong nito. "Ewan ko. Just go to him and see him for yourself.!"   "Ay, grabe siya? Nananalag oh!"   Nang makarating ay kaagad niyang pinakilala ang dalawa.   "Engineer Luther, this is my friend and business partner Jaira. Jai, this is Engineer Luther De Vera."   Nag-angat ng tingin ang Engineer at gulat na gulat si Jaira nang tuluyang marekognisa ang nauna. "Omo! 'Di ba siya yung... yung..."   Si Luther na mismo ang walang pakundakang tumango at sumagot. "Ako nga, yung lalaking pinagtripan ninyo noong isang gabi."   "Oh my goodness gracious!" bulong kay Karen ng gulat pa ring bakla.   "Masaya na ba kayo ngayon at napaglaruan ninyo ako no'ng gabing 'yon? Tuwang-tuwa ba kayong magkakaibigan sa naisip ninyong gimik? You must also be mocking on me at the back of your heads while I'm in front of you right now..." gumuhit ang pait sa tono ng binata.   Nagkatinginan naman sina Karen at Jaira. Bigla ay pareho silang nakaramdam ng konsensya lalo na si Karen. Eh kasi naman, paano siyang hindi makokonsensya gayong siya itong pinaglaruan si Luther no'ng gabing 'yon sa bar tapos ngayon kaharap at kausap na nila. Sa itsura pa nito ay halatang dismayado at dehadong-dehado ito.   "Uhm, ano ka ba!" pilit na tumawa si Jaira tapos marahang hinampas ang braso ng binata na kunwari'y feeling close rito, trying to cool things out with Luther De Vera. "Joke lang naman namin ni Karen 'yon at no'ng iba pa naming friends! You know, chill lang! Ikaw naman masyado kang serious! Pero joke lang talaga namin 'yon, 'di naman namin intention na ma-offend ka! Minsan talaga may mga pagkalokaret kami pero mababait naman kami- ahh!"   Napatili bigla si Jaira nang kurutin na talaga ni Karen sa tagiliran. "Tumigil ka na, Jai!"   "Let's just not talk about it here and let's just plainly forget about it. I mean, let's all move on since the deed had already been done. Besides, I didn't come here to talk for something else aside from pure business," pormal namang sinabi ng Engineer.   "Ayan sabi sayo, bakla! Business nga lang raw eh saka move on na so, yes, move on- move on din 'pag may time!" siya naman ang marahang hinampas ni Jaira.   Tiningnan niya ito gamit ng isang nakamamatay na paraan ng tingin. "Isa pa, Jai. Isa pa talaga!"   Marahang tumawa na lamang ito saka umiling at buti nalang hindi na humirit pa ulit, nakuha rin siguro ang punto niyang hindi na talaga nila dapat pang pag-usapan ang tungkol sa nakaraan nila Luther dahil nandito silang pare-pareho for business purposes, not for a closure for what happened between him and her.   Naupo na rin silang dalawa ni Jaira sa table at um-order na ng kanilang makakain.   Nang makarating ang order at nagsimula silang kumain ay straight to business na ring nag-umpisa sa diskusyon ang Engineer.   "I've had a discussion with Fredrick, your Architect, and he mentioned that you're planning to have a two-storey building for your mini business?"   "Right. Two-storey building will do," pormal namang sagot ni Karen.   Nag-discuss pa ng kung ano tungkol sa building and floor-plan si Engineer De Vera at pati na rin ng mga napag-usapan nito at ng Architect bago pa sila nagkita ngayong araw. May mga ipiniresenta rin itong blueprints habang sila naman ni Jaira ay nakikinig lamang, nagbibigay ng mga suhestiyon tungkol sa plano at sa gusto nila, sumasang-ayon kapag may dapat na pagsang-ayunan, at nagbibigay rin ng kani-kanilang mga opinyon kapag kailangan.   Kasabay ng pagtatapos nila sa pagkain ay ang pagtatapos din ng diskusyon para sa araw na ito.   "Here's my calling card. If you have other questions or follow-ups, you can just contact me on the digits on this calling card," ibinigay nito sa kanila ang complete contact number nito.   "Thank you, Engineer," si Jaira naman ang todo entertain rito.   "I guess I should go now. Let's just meet again on Saturday sa lupa mismo ng pagtatayuan ng istraktura ng business ninyo."   Tumango silang pareho.   "Thanks for your time, Engineer!" si Jaira pa rin ang biba.   Tipid na ngumiti ang lalaki sa kanyang kaibigan. "Mauuna na ako sa inyo."   "Sige. Take care!"   Ilang sandali pa'y tinatanaw na lamang nina Karen ang likod ng papalayong si Engineer De Vera. Kay kisig talaga nito!   Mayamaya pa'y napabuga na lamang si Karen. "Hay!"   She didn't expect this day. She didn't see this coming and she never thought na magkikita pa ulit sila ng lalaking 'yon. The worst part is, talagang magkakaugnayan pa sila ngayon para sa ipapatayo nila ni Jaira na building. She has to negotiate with him and cooperate no matter how she gets intimidated the way he looks at her and with just his presence near her. Buti na nga lamang at professional naman si Engineer De Vera dahil kung hindi, hindi na siguro niya alam kung ano nang inabot niya ngayon sa muli nilang pagkikita. Talagang buti nalang talaga!   "Ayan, bes, basag! Uwi ka na, may nanalo na, ginalingan ng tadhana eyy!"   Tiningnan niya ng masama si Jaira saka kinurot ito sa tagiliran.   Humalakhak naman ito sa kiliti. "Eto naman!" sabay mahinang hampas.     SA nangyari nitong huli nang makaharap ni Luther sa restaurant ang mga magiging kliyente niya lalo na si Karen Montgomery, ang pinsan ng kaibigan niyang si Fredrick, na siya rin palang babaeng nantrip sa kanya nang gabing bitinin siya sa kama pagkatapos siyang akitin sa dance floor ng bar, ay nagdalawang isip na tuloy siya kung itutuloy pa ba sa pakikipagkita sa mga ito sa bakanteng lote na balak na pagtayuan ng mini business ng magkaibigan. Para kasing hindi niya maintindihan ang nararamdaman tuwing kasama at napapalapit siya sa babaeng 'yon, kay Karen Montgomery.   Kasalukuyan siyang nasa harapan ng salamin at inaayos ang butones ng kanyang polo habang paulit-ulit pa ring bumabalik sa alaala niya ang ginawa ni Karen sa kanya no'ng gabing una silang magkita sa bar.   Mariing napapikit siya't napabuntong hininga... The woman's scent and her skin against his, paulit-ulit pa ring bumabaon sa kanyang ilong at balat. The way she danced wildly while circling her arms around his neck, the way her hips moved with the rhythm of the music in the disco, the way she flipped her blond hair, and the way her lips flexed effortlessly still seduces his sanity over and over again up to today and makes him think of her for the nth time after that night.   No'ng muli silang nagkita four days ago sa restaurant at nalaman niyang ito pala ang pinsan ng kaibigan niyang si Fredrick, kahit pa galit siya sa dalaga ay hindi pa rin niya mapigilan ang sariling muling hangarin ang matatamis nitong mga labi na huminang sa kanyang mga labi. Kahit ang pormal nitong ayos bilang business woman noong isang araw na nagkita sila, malayo sa ayos nitong wild woman sa bar noong unang gabi na pinagtripan siya nito at ng mga kaibigan nito ay parehong-parehong pagkaakit pa rin ang nararamdaman niya. Sa simpleng puting three-fourths top na nakainsert sa black skirt with red stilletos ay binabaliw pa rin siya ng dalaga, ang kanyang isip at diwa. Sobrang akit na akit pa rin siya sa kahit na ano pa yata ang gawin at isuot nito!   He desperately ran his fingers on his hair 'cause no matter how he tries to forget her and no matter how he tells himself to stop thinking about her, he just couldn't! He just couldn't stop thinking about her, what she does, what she smells like, what her beautiful face drives him nuts. Urgh, nababaliw na siya! Talaga ngang binabaliw na siya ng karisma ng babaeng 'yon! Siguro nga ay may taglay na katangian iyon na kahit wala pang gawin o wala pang sabihin ay pakiramdam niya'y akit na akit na siya at parang mababaliw na magkakasakit siya kapag hindi niya ito muling nahawakan o muling nahagkan!   Damn it, Luth! Damn you for fantisizing that woman! She's nothing but a player b***h! She's just gonna play around with you but will leave you dumbfounded again, in the end! Stop that craziness, wala kang mapapala ka talagang d'yan! Not with her, not with Karen Montgomery! She's just your client for now and she will remain that way for you! Kliyente mo lang siya, 'yon lang 'yon at hanggang doon lang 'yon!   Paulit-ulit din niyang sinasaway ang sarili na hindi dapat siya nagiging ganito sa isang babae dahil hindi naman talaga siya ganito magmula pa dati, kahit kailan ay wala pang babaeng nakapagpabaliw sa kanya ng ganito, na yung tipo bang pakiramdam niya ay bitin na bitin siya sa ere at mawawala na talaga siya sa kanyang sarili kapag hindi naangkin ang dalaga. He was never used to this kind of feeling. Nasanay siyang siya ang nambibitin at hindi ang nabibitin, siya ang hinahabol at hindi siya ang naghahabol.   From her foreign and unique effect to him, Luther knew within himself that this woman must be really something. Like, she has really something about her that makes him want and crave for more!   Kakaiba nga talaga ang alindog na batid ng isang Karen Montgomery sa kanya kaya nakakaramdam siya ng mga bagay na hindi naman madalas maramdaman ng isang Luther De Vera sa babae...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD