THIRTY-FOUR: "If only…" "ANO? Tara na? Scuba dive?" nakangising hamon kay Karen ng temporary boyfriend niya matapos nilang mag-agahan kinabukasan ng naging napakasayang Taoist trip nila kahapon. Game na game naman siyang tumango. "Hindi ko aatrasan 'yan!" Pinanindigan lang naman nila ang two-day boyfriend-girlfriend na pakulo nilang dalawa, and so far, they are enjoying each other's company. Pinagsuot silang pareho ng self-contained underwater breathing apparatus ng mga taong in-charged sa Scuba Diving activity at pareho silang game na game na lumusong sa kailaliman ng tubig at namasyal roon kasama ng mga nakakaakit na lamang tubig. Magkahawak kamay silang naglakbay at in-enjoy ang mga tanawin roon lalo na ang iba't-ibang uri ng mga isda at iba-ibang kulay n