Chapter 39 Sebastian POV Hindi parin mawala sa isipan ko si Jeisen. Nababaliw na ata ako. Lagi ko nalang siya naiisip. Hindi naman ako ganito dati kay Lin. Hinawakan ko ang kamay ko. Hindi ko mapigilang mapangiti. Naalala ko na naman ang paghawak ko sa kanya. Oh Jeisen ko. "Dude, baliw kana. Nung nakaraan kapang lutang. Ngayon naman napapangiti kang mag isa." Bulong sa akin ni Mike. Kanina pa nag umpisa ang klase namin sa Math. Pinalitan na kasi si Sir RB dahil sa issue na nalaman namin tungkol sa kanya. Kaya pala napaka giliw nun sa mga babae. May kalokohan palang pinag gagawa. "Ewan ko ba dude. Hindi na talaga siya napagod kakatakbo sa isipan ko." "Sino? Si Jeisen?" "Oo..." Napailing naman ito. "Delikado tayo d'yan dude. Siya na nga lagi mong bukang bibig. Baka hindi mo napapa