Chapter 40 Eanela POV Hinanap ko agad si Jeisen pagkadating ko ng school. Nangako kasi siya sa akin na sasamahan niya ako sa hospital. Nakalimutan ko kasing hingin ang number niya kaya ito at pumasok ako para sunduin siya. Hindi ko mapigilang manlumo. Feeling ko kasi ang liit ng tingin ng mga schoolmates ko sa akin. Dahil ito sa pa dalos dalos na desisyon ko. Pumunta ako sa cottage na madalas tambayan nila pero wala si Jiesen. . Ang sabi ng mga kaibigan niya ay nasa office siya ngayon ng student coucil. Hidi rin naman sila nag dalawang isip na samahan ako. Ang swerte ni Jeisen dahil kahit bago palang ito sa school ay nakakuha agad ito ng mababait na kaibigan. Maliban kay Risa ay hindi ko alam kung may tunay ba akong kaibagan sa mga barkada ko. Simula kasi ng malaman nila ang issue sa