Chapter 41 Jeisen Jee Ayokong bigyan ng kahulugan ang mga ikinikilos ni Gareth ngayon. Kanina ko pa kasi napapansin ang pag hawak niya sa akin. Parang ayaw niya akong mawala sa paningin niya. "Ba't ba kanina kapa nakahawak sa 'kin?" Tanong ko sa kanya. Binitiwan niya naman agad ako at umupo ng maayos. Hinayaan muna naming mag usap sina Eanela at Sir RB. Alam kong kailangan nila 'yon. "Hindi ah. Nasagi lang ang kamay ko sa 'yo." Nagdahilan pa, halata naman siya. "Umm, talaga lang ha." "Eh ano naman kung nahawakan kita? Sila nga hinawayaan mong hawakan ka at yakapin tapos ako sinisita mo?" Sinong sila ang tinutukoy niya? Ang madalas yumakap sa akin ay maliban sa kapatid ko, sina Aicel at Shasha lang naman. "Nagtatanong ako Gareth." "Nagtatanong din ako." Pinitik ko ang nuo niya. "T