Chapter 32 Sharmina POV Ilan oras na ang hindi pa rin sumusulpot sa 'min si Jeisen. Kanina pa namin siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Masama pa naman raw ang pakiramdam niya. Naku! Baka napano na 'yon! Hindi pa nga siya mapakali kanina. Parang may bumabagabag sa kanya. Pero kung tatanungin mo naman--- okey lang daw siya. Hindi naman kasi namin siya makitaan ng emosyon minsan. Alam niyo na poker face si flower girl. Una palang kilala ko sa kanya ay ang tahimik nito. Madalas stiff. Nakikisabay naman siya sa kakuletan namin ni Aicel pero ang korne ng mga jokes niya. Yong klase ng joke na kailangan mo pang e explain para ma gets. Tapos minsan 'di mo alam nag jo-joke na pala ito. Oh my goodness talaga. Kinain ko muna ang paborito kong avocado ice cream. Masyado akong nag ala