Chapter 31 Jeisen Jee POV Umalis na agad ako sa cottage pagkatapos kong kausapin at turuan si Seb. Akala ko kung ano na ang sasabihin at ibibigay niya sa 'kin. Yon pala ay mga bulaklak lang at mag so-sorry. Hindi naman niya kailangang gawin 'yon. Hindi na ako pumasok sa klase kaya naman panay text sa akin ni Aicel. Sa canteen nalang daw kami mag kikita. Nandun na raw sila kasama si Ate Jaud. Namigay naman seguro 'yon ng pagkain. Hindi kasi kami magkasabay kanina umalis. Medyo madami ang tao sa canteen ngayon. Pero nakita ko naman agad sila. Napatigil ako ng mapansin kong may binubully na naman ang grupo nina Donna. Himalang hindi siya kasama sa kanila ngayon. Napapailing nalang ako ng nay inuutusan silang babae. Ganito ba ang trabaho nila? Ang mang away ng wala namang ginagawa sa k