Chapter 30 Sebastian POV Pagkatapos naming gumimik ng barkada umuwi agad ako sa bahay. Nag away na naman kami ng dad ko. Ganun parin ang issue niya sa 'kin. Hindi ko na siya pinakinggan at pumasok nalang ng kwarto. Tinawagan ko muna si Lin para kumustahin ang kalagayan niya. Mabuti naman at okey na ito. Hindi na raw masakit ang paa niya. Thanks to Jeisen. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit bigla nalang itong nagalit ng pinag usapan namin ito. Siya ang nagtanong pero siya rin ang nagalit kung bakit ko raw ito ipinagtanggol. Hindi ko na talaga alam kong anong tumatakbo sa isipan niya. Speaking of her. Ano kaya ang ginagawa nun ngayon? Sayang at hindi ko siya nakausap kanina dahil umalis agad ito. Narinig ko pa siyang pinag uusapan ng mga studyante ng university. Kinuha ko