Chapter 29 Gareth Liu POV Sinamahan muna namin ang mga bisita ng school para nag lunch pagkaalis namin ng gym. Pinag usapan lang namin ang mga kakailanganang dokumento at plano sa school. Nagpaalam narin sina master para umalis pagkatapos naming mananghalian. Kami naman nina Aston ay bumalik agad sa university. Papunta na sana kami sa office ng SSG pero napahinto agad ako dahil sa narinig kong usapan ng mga lalaki na ikinanuot ng nuo ko. "Tingnan niyo dude, si Jeisen 'to ng CAS. Kinuhan ko ng picture kanina." "Siya ba talaga 'yan? Grabe ang ganda niya." "Patingin nga ng picture niya. Wow! Ang sexy ng legs." "Ngayon lang siya nagsuot ng sexy na damit ah. Balita ko siya ngayon ang representative nila. Ang talino raw niyan. Beauty, body and brain. Ang sarap segurong maging girlfriend '