Erin’s POV MALAKAS na tunog ng musika ang siyang bumabalot sa aking pandinig. Wala na akong pakialam pa kung hindi ang uminom lang nang uminom hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay at makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. “Another glass of wine, please,” kaagad kong inabot ang isang basong wala na namang laman sa bartender na nasa aking harapan ngayon. Nakatingin lang siya sa akin ngunit hindi na nagbato pa ng mga tanong sa halip ay kaagad na rin niyang tinanggap ang bakanteng baso mula sa aking mga kamay. “Here is your wine, ma’am.” Makalipas ang ilang minuto ay kaagad na rin niyang inabot sa akin ang baso na punong—puno na ng wine na kanina ko pa naman iniinom. “T—thank you. C—cheers!” masaya kong inabot sa bartender ang basong iniinom ko. Wala akong ibang kasama sa

