Erin’s POV HINDI siya nagsalita sa halip ay hinawakan iyang muli ang aking kamay at sa puntong ito ay hindi ko na siya nagawang napigilan lalo pa at hinihila na niya ako palabas nitong bar. Sino ba siya? Bakit siya naglalakas na gawin ito sa akin? Ilang hakbang pa at nagpumilit pa rin akong mapigilan siya. Sa puntong ito ay tuluyan na rin kaming huminto sa paghahakbang. Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata, hindi ko man nakikita nang mas malinaw ang kaniyang atensyon ay alam na alam kong nakatingin lang siya sa aking atensyon. “A—alam ko na, inuutusan ka ng asawa ko? Na akitin ako? Para maging malaya na siya? Ganoon ba ‘yon? H—hindi mo ako magagawang malilinlang. Si Axel lang ang mahal ko at walang ibang lalaking makakapagparamdam n’on sa akin. Kaya kung ako sa ‘yo, hayaan mo na la

