Elizar’s POV HINDI ako mapakali. Ilang beses na akong panay upo at tayo mula sa natatanging upuan ngayon rito sa waiting area sa labas nitong delivery room. Hindi ko alam kung bakit matinding kaba itong nararamdaman ko. Alam ko namang nasa loob na si Erin at ang anak namin at naroon ang mga doktor pero parang may kung anong tumutulak sa sarili ko dahilan upang hindi ko magawang maging kampante mula sa labas nitong delivery room.indi “Nurse? Okay na ba ang asawa ko? How is she? Is she safe? How about my child?” tanong ko nang mamataan ko ang isang nurse na lumabas mula mismo ang delivery room. “Ikaw po ba ang partner ni Erin De La Vega?” tanong nito sa akin, nakatayo lang ito sa aking harapan. “Yes, ako. How is she? Sabihin mo? Kumusta ang mag—ina ko? May nangyari bang masama sa kanila

