Elizar’s POV “ELI! Eli! Where are you! Eli!” Kasing bilis ng hangin kong nabitawan ang hawak kong sandok at kaagad na bumaling sa kung saan nanggaling ang boses ni Erin. “Eli!” muli nitong sambit. Sa sobrang gulat at kaba ay wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang tumakbo nang mabilis papunta sa sala kung saan alam kong naroon lang si Erin. “Baby? What happened? Manganganak ka na ba?” tanong ko sa kaniya habang pansin na pansin ko mula sa aking boses ang matinding pag—alala. I was in the kitchen at cooking for our lunch. Seryoso lang ako sa pagluluto pero napawi ang atensyon kong iyon nang marinig ko ang boses ni Erin na animo’y may kakaibang nangyayari sa kung nasaan man siya. “Ikuha mo ako ng tubig, please.” She requested. Kaagad nawala ang matinding kaba ang pag—alala mula

