Erin’s POV “NASAAN ang pinapabili ko sa ‘yo?” ang unang katatagang binitawan ko nang makauwi si Eli sa bahay. Kakabukas ko pa nga lang nitong pinto at nang makita ko ang kaniyang imahe ay iyon lang ang unang pumasok sa aking isipan. Hindi niya ako kaagad sinagot sa halip ay nanatili lang muna ang atensyon sa aking mga mata. “Hindi mo lang baa ko hahalikan o ang yayakapin?” tanong nito sa akin. “Ibigay mo muna sa akin ang hinihingi ko, Eli bago.” Mabilis kong sambit. Ngumiti siya saka mabilis na bumaling sa kaniyang bag. “Here! Sorry pero ‘yan lang talaga ang nakita ko sa mall. I tried to ask in the public market pero naubusan na raw sila ng stock sa dating pinapabili mo. Pero it is still juicy,” wika nito habang kinukuha ang isang pack na fruit jelly sa kaniyang bag. Nang makitang h

