Sandra’s POV I WALKED straight towards the elevator. Kailan man ay hindi ko pinansin ang boses ni Axel na alam kong patuloy pa rin sa pagsunod na sa akin. Naging mabilis ang aking mga hakbang taliwas sa mga paningin kong naging malabo na dahil sa patuloy na pagpatak ng aking mga luha. Huminto lamang ako nang makarating ako sa tapat ng elevator. Kaagad ko itong binuksan at tulad ng inaaasahan ko ay tuluyan na ring nakarating si Axel sa aking likuran. He tried to hold my hand pero ako na mismo ang umiwas doon. Ilang beses ko na ring pinalis ang mga luha ko ngunit hindi iyon tumigil sa pagpatak. Ang sakit. Sobrang sakit. Sa sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko alam kung may natitira pa bang lakas sa aking katawan. Ni ramdam na ramdam ko na ang panghihina sa buong katawan ko. Ramda