Sandra’s POV I look at the girl named Erin seriously. Hindi ko alam kung ano ang katayuan niya sa buhay ni Axel ngunit isa lamang ang tanging nasa isipan ko at nararamdaman ko iyon at sa kung paano niya kausapin ang isang Axel Montemayor. It seems like the two of them have history in the past at iyon ay ang nais kong alamin sa puntong ito. Sa binitawan niyang mga salita ay parang sinampal niya sa akin ang katotohanan. Parang pinaramdam niya sa aking kailanman ay wala akong puwang sa mundong pinasok ko ngayon, na wala akong puwang sa buhay ni Axel. Tahimik lamang akong nakatayo sa gilid ni Axel. Ramdam na ramdam ko pa kung paano naging mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Hindi ko rin alam kung bakit sobrang panginginig ang kamay nito na animo’y hindi gusto ang nangyayari ngayo