Sandra's POV Tahimik akong pumasok sa powder room. Sa loob ay walang ibang naroon kung hindi ako lang. Bakas pa rin sa aking labi ang ngiti. Hindi ko alam kung bakit kitang-kita ko sa reaksyon ni Erin kanina ang takot. Parang malaking problema ang muling pagpapakita ko mundong ginagalawan niya. Well, she started all of this. Nauna siyang maglaro kaya tatapusin ko lang. Three years ago when they put me in trash. Kinawawa nila ako. Pinamukha nila sa akin na wala akong silbi at kailanman ay hindi nararapat sa mundong ginagalawan nila. Now here I am. Nasa mundo na nila ako at ngayon, ako naman. Ako naman ang magpaparamdam sa kanila ng mga iyon. Naglagay ako ng kunting lipstick. Naglagay rin ako ng kunting foundation sa mukha ko para hindi halata ang dinaganan ng pawis ang aking pisnge.