Sandra’s POV “ANG ganda po ninyo, Ma’am! Bagay na bagay po sa inyo ang suot ninyo ngayon!” sambit ng baklang nag—ayos sa akin ngayon. Nakatingin lamang ako sa malaking salamin sa harapan ko at mula ulo ay pinasadahan ko ng tingin ang repleksyon ko roon pababa sa aking paa. He did his job. Talagang mas napaganda pa niya ako. I know, I will be the most pretty and eye-catching guest later in the party. Wearing this blue glittered long dress, alam kong maayos kong mairepresenta ang kompanya ko mamaya at hindi lang ang panibagong pagkatao ko ang ipapakita ko sa mga guest kung hindi ang ipamukha sa mga taong minsan nang naging mababaw ang tingin sa akin, ipapamukha ko sa kanilang bilog ang mundo at sa puntong ito, oras ko naman. 6 o’clock in the evening magsisimula ang party at handa na ako.