Enzo’s POV “I NEED your help.” Hindi kaagad ako nakasagot nang marinig ko ang katatagang binitawan ni Axel mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung bakit siya napatawag at mas lalong hindi ko ito inaasahan. I thought he will reject my offer pero bakit napatawag pa siya? “A—axel? N—napatawag ka? Akala ko ba ay tatanggihan mo ang offer ko?” tanong kong may halong ngiti. Lumipas ang ilang segundo bago siya muling nagsalita. Parang sa bawat katatagang binitawan niya ay pinag—iisipan niya ang lahat ng iyon. “It is not about your offer, Enzo but I can grant you that, that’s if you will deal with my offer. It is like give and take,” sambit nito sa akin. Kaagad akong napaayos ng aking pag—upo. Pinatay ko na lang muli ang aking kotse na pinaandar ko na kanina pa. Aalis na sana ako pero hin