Enzo’s POV HINDI madali ang magpanggap. Pero habang tumatagal ay naging malapit na rin sa loob ko itong si Sandra. Unti—unti ko na ring naramdaman ang pagkatotoo sa aking ginagawa. I treated her as my younger sister, tulad ng sinabi sa akin ni Axel. Walang araw na hindi tumatagal si Axel. Maraming beses na tumatawag siya habang nasa harapan ko si Sandra. Hindi nagkulang sa pagpapaalala sa akin si Axel. Habang nasa amerika kami ni Sandra ay parang si Axel na rin ang kasama niya gayong nakaayon naman sa gusto niya ang bawat ginagawa ko. Walang kaalam—alam si Sandra sa lahat. Lahat ng gusto ni Axel na nasusunod na alam ko namang nakaayon rin sa kaniyang plano. “Buntis ka nang umalis tayo sa pinas, isn’t it?” gulat ang siyang bumabalot sa aking reaksyon sa mga oras na ito. Kaagad ko na