Sandra’s POV ALAS dyes na nang umalis kami ni Axel sa bahay. Excited na excited pa itong si Sofia na umalis kami. Sa pagkakaalam ko ay ito ang unang beses na gumala kaming buo—kasama ako, si Axel at ang unang anak naming si Sofia. Halata sa mukha ni Sofia ang matinding saya. Siguro sa buong buhay niya ay ngayon lang din niya naranasang magkasama kaming lumabas. Alam kong hindi naging mabuti ang sitwasyon ni Sofia sa mga kamay ni Erin kaya ngayong Nabawi ko na ulit siya ay muli na ring nanumbalik ang sigla sa mukha ng bata. “Daddy! Sa tom’s world muna tayo, please…” si Sofia nang makababa kami mula sa parking lot. Hindi pa nga kami nakapasok sa loob ng mall ay panay request na itong si Sofia. “Saka kakain tayo pagkatapos saka mamimili na rin ng mga bagong laruan,” pagpapatuloy pa nitong

