Erin’s POV “CONGRATUALATIONS, Erin De La Vega, malaya ka na,” boses ng pulis ang siyang unang bumungad sa aking pandinig. Siya na rin mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. Hindi ko tiningnan ang pulis na nasa aking harapan ngayon sa halip ay nakatuon lamang ang aking atensyon sa lalaking nakatayo ngayon sa waiting area na alam kong hinihintay ang pagdating ko. Marahan akong naglakad. Ilang linggo rin akong nanatiling muli rito sa kulungan at hindi ko alam kung bakit at ano pa ang ginagawa ng lalaking ito ngayon. Walang bakas ng saya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito sa halip ay inis at galit ang nararamdaman ko para sa lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nararamdaman ko gayong nararapat nga akong maging masaya dahil malaya na ulit ako. “Congrats,” ngiting bati nit

