Axel’s POV MABILIS akong nagmamaneho sa aking kotse sa mga oras na ito. Walang ibang laman ang isipan ko kung hindi ang kaligtasan lang nina Sandra at ng anak kong si Sofia. Kilala ko si Erin at alam kong hinding—hindi siya titigil hanggang sa hindi niya makuha ang tanging gusto niya! She was in jail. Buong akala ko ay okay na ang lahat. Buong akala ko ay tuluyan nang matatahimik ang buhay namin ni Sandra pero nagkakamali ako. Hindi ko alam kung bakit nakalabas pa sa kulungan ang babaeng iyon lalo pa at alam ko namang masyadong matibay ang mga kasong isinampa ko sa kaniya. Siguro ginamit na naman niya ang angking yaman na mayroon siya Habang buhay si Erin ay alam kong hinding—hindi matatahimik ang landas namin ni Sandra. Habang nasa mundong ito pa ang babaeng iyon ay alam kong hindi na

