Sandra’s POV I SLOWLY move my body. Marahan akong gumiling—giling mula sa aking kama. Hindi ko alam kung maaga pa ba gayong hindi pa naman tumunog ang alarm clock ko o sadyang hindi ko lang talaga iyon narinig kanina. Dammit! Wala pa ako sa mood para gumising! Mas lalo ko na lamang na iginiit ang aking mukha sa malambot na unan at mas lalong ninamnam ang malambot kong kama. Hindi ko pa yata kayang bumangon sa mga oras na ito. Ilang minuto pa ay nagkaroon na rin ako ng lakas na loob na tumingin sa wall clock na nasa harapan itong aking kama. Mula doon ay kitang—kita ko na ang oras. It is already 7:30 in the morning at alam kong sa mga oras na ito ay gising na si nanay. Gamit ang aking kamay ay marahan kong hinawi ang kumot na siyang bumabalot pa rin sa aking katawan sa mga oras na ito