Axel’s POV NAGISING ako nang makaramdam ang pangangalay sa aking leeg. Marahan kong pinaikot ang aking katawan kasabay ang marahang pagmulat ko ng aking mga mata. Hindi pa tuluyang naging malinaw ang aking paningin ngunit unang sumagi sa aking mga mata ang oras mula sa wall clock. It is already 9 in the morning at sa pagkakaalam ko ay ito na yata ang pinakamatagal na paggising ko sa buong buhay ko. Tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga. Sa puntong ito ay sinubukan kong igalaw ang aking kamay ngunit huli na nang malaman ko ang pananakit mula sa aking batok pababa sa aking balakang hanggang sa balutin na rin ng pananakit ang buo kong katawan. Damn it! Mula sa nararamdaman ko ngayon ay parang buong gabi kong pasan ang buong mundo. Para akong pumapasan ng isang malaking bagay. Pumi

