Axel’s POV “TAPOS ka na ba riyan? Natapos ko nang bihisan sina Euri at Ethan,” wika ko nang matapos kong bihisan ang kambal. Sa puntong ito ay nakatayo ako sa tapat ng pinto ng kuwarto. Hindi na ako pumasok pa sa loob gayong tapos na naman akong magbihis. “Patapos na, Axel. Mauna ka na at ang mga kambal sa baba. Susunod ako.” mabilis na sagot nito sa akin. Pupunta kami ngayon ng clinic. Ngayong araw ang nakalaan para sa test ni Sandra. Hindi ko pa man malalaman kung ano ang kasarian ng kasunod naming magiging anak pero sabik na rin akong malaman ang lagay nito sa loob ng tiyan ni Sandra. It is already the third month of her pregnancy kaya alam na alam kong the baby inside her womb is growing healthy and fast. Tulad ng sinabi ni Sandra ay bumalik ako sa kuwarto ng kambal. “Huwag kayong

