Sandra’s POV “HINDI siya interesado sa kompanya kung hindi sa ‘yo, Miss Fuentes and how can I make a deal with that guy knowing that he is flirting with my secretary?” That statement keeps on repeating on my mind. Kahit saang sulok nitong opisina at kompanya ako nagtungo ay hindi ko iyon magawang alisin. Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinabi sa akin. Nakakapanibago lang siya. Hindi naman siya ganito dati at mas lalong hindi ako sanay na ganito siya sa akin. When I started my first day of job here as a secretary, I first met him with trouble at doon pa lamang ay alam ko na ang tunay niyang pagkatao. Hanggang sa lumipas ang ilang araw at linggo at kahit papaano ay nasanay na ako sa pinakita niyang ugali. But now is different. Hindi ko siya maintindihan. Basta isang araw ay bigla na l