Chapter 11

3163 Words
Sandra’s POV I WOKE up from the bed when the window light reflected on my face. Hindi ko maiwasan ang mapatakip ng aking mukha lalo pa at nasisilaw ako. Gusto ko pang magkulong sa kwarto ko at yakapin ang malambot kong unan. I want to spend more time in bed saka sa pagkakaalam ko ay hindi pa naman tumunog ang alarm clock ko. My alarm clock sets for 7:00 in the morning at hindi pa naman iyon tumunog kaya alam kong maaga pa para gumusing. “Ano ba, nay. Ang aga—aga pa. Isara mo muna ang bintana, please.” Wika ko habang nasa ilalim pa rin ng aking kumot. Mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap sa malambot kong unan at sa puntong ito ay mas lalo ko lamang iginiit ang mukha ko doon. “Ano ka ba, Sandra. Alas syete na. Saka hindi ka ba nahihiya? Your boss is waiting for you!” malakas na sambit ni nanay sa akin. Hindi kaagad ako umimik lalo pa at mas nanaig pa rin sa aking isipan ang antok. Ilang segundo pa ang lumipas bago naproseso ng aking isipan ang binitawang katatagan ni nanay. Nang tuluyan kong naintindihan ang sinabi niya ay kaagad akong napamulat ng aking mga mata nang wala sa oras. Mabilis kong hinawi ang kumot na siyang nakakapit sa aking katawan saka mabilis na bumaling kay nanay na alam kong nakatayo lamang ngayon sa aking harapan. “A-ano?” gulat kong tanong lalo pa at kailangan kong siguruin kung tama ba ang narinig ko. “Nasa sala na ang boss mo. Mahiya ka naman. Tulog mantika!” wika nito sa akin dahilan upang tuluyan na akong napatayo at walang ibang pumasok sa aking isipan kung hindi ang suklay ko saka ako mabilis na humarap sa salamin. Lumabas na rin si nanay sa kwarto ko. Dammit! Ano ba iyong kalokohang ginawa niya?! Sigurado ba siya sa ginagawa niya? Kung totoo man ang sinabi ni nanay ay hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa harapan niya sa pagkakaalam na pumunta pa talaga siya rito. “W—what are you doing here?” mabilis kong sambit nang nagtungo ako sa sala. Mr. Montemayor is sitting comfortably in the corner seat looking at my presence. Nakabihis na ito pang—opisina. Mamasa—masa pa nga ang kaniyang buhok at ang pabango niya ay siyang nanaig at bumalot sa kabuuang sulok nitong sala. Hindi kaagad nakapagsalita si Mr. Montemayor. He looks at me from head-to-toe habang nangingilid sa kaniyang labi ang malapad na pagngiti. “Hindi ka nagpaalam sa akin na sunduin ako, Mr. Montemayor.” Seryosong sambit ko. Sa totoo lang ay hindi ako sanay na ganito ang magiging sitwasyon araw—araw at kung papipiliin ako ay mas pipiliin kong huwag na itong maulit pa. “N—nak, nagpaalam na sa akin si Axel. Sinabi na niya sa akin kagabi na susunduin ka niya dito at kung maaari ay araw—araw na niya iyong gagawin.” Si nanay na kaagad na sumulpot sa aking gilid. Mula kay Mr. Montemayor ay bumaling ako kay nanay. Bearing the shocking expression in my face, I face my mother’s attention. “Pumayag ka, nay?” I asked her nervously. Mula sa akin ay bumaling ang tingin ni nanay sa kay Mr. Montemayor. Hindi ko na sana dapat iniwan silang nag—uusap kagabi. E, hindi sana napigilan ko si Mr. Montemayor sa mga plano niya. Pati ba naman si nanay ay kokontrolin niya?! “I THINK IT IS THE PERFECT TIME TO INTRODUCE MY SELF TO YOUR PARENTS.” Wika nito sa akin. Hindi pa niya binuksan ang pinto nitong sasakyan kaya hindi ko pa magawang lumabas at iwasan ang kaniyang presensya. “S—si... I mean, A—axel,” a paused a moment. I feel uncomfortable calling in his first name! Dammit! Hindi ako sanay na magtrato nang ganito sa mismong boss ko! “H—hindi na kailangan. Saka kilala ka na naman ni nanay gayong naikuwento ko na naman kita sa kanila,” iniwasan ko siya ng tingin at mula sa kay Mr. Montemayor ay bumaling ako sa bahay namin. Bumilog ang aking mga mata nang magbukas ang pinto ng bahay namin. It was nanay looking outside. Alam kong napansin niya ang kotseng huminto sa labas. “It is your mother, right?” mula sa akin ay bumaling si Mr. Montemayor kay nanay na ngayon ay tuluyan nang lumabas sa bahay at nagtungo sa amin. Hindi ko inasahan ang kasunod na hakbang ni Axel. Kaagad niyang binuksan ang pinto nitong sasakyan saka siya unang lumabas. Kaagad niyang nilapitan si nanay saka binati ito. Lumabas ako ng sasakyan saka nagtungo sa kanila. “Nay, siya po ang boss ko,” ang unang wika ko na may bahid na hiya mula sa aking boses. Mula sa akin ay tanaw ko kung paano ibaling ni nanay ang kaniyang atensyon mula sa kay Axel. Mula mukha pababa sa paa ay tiningnan niya ito na animo’y pinag—aralan ang tindig ni Axel. “Aba, hindi ako nagkakamali ng iniisip. Totoo ang sinabi mo sa akin, anak. Gwapo ang boss mo.” Wika ni nanay dahilan upang mapakagat ako ng sarili kong labi. “Nay. Nakakahiya. Saka hindi na rin magtatagal itong si Sir. Mag—aalas otso na at kailangan na niyang umalis,” wika ko kay nanay. I want to end this night as soon as possible. Parang hindi ko na yata kakayanin pa ang mga nangyayari sa gabing ito. Hindi ko rin alam kung makakatulog pa ba ako pagkatapos nito. “H—hindi po, tita. Hindi po ako nagmamadali.” Wika ni Axel dahilan upang mapapikit ako. Seryoso ba siya? How dare him call my mother a Tita! “Iyon naman pala, e! Tara pasok ka muna sa loob, hijo. Magkuwentuhan muna tayo. Sabi ng anak ko ay masungit ka raw, hmm hindi naman.” Mas lalo lang akong pakagat ng labi sa sinabi ni nanay. Dammit! Kung alam ko lang na tataksilin ako ng sarili kong nanay ay sana hindi na ako nagkuwento sa kaniya tungkol sa trabaho. “Sandra, magtimpla ka ng juice para sa kay Sir. Axel.” wika ni nanay saka nauna pa silang pumasok sa bahay. Dammit! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang pumasok nito bukas. Simula pa lang iyon. Alam kong may sasabihin pa si nanay. Siguro pagkatapos nito ay tuluyan na akong masesetante sa trabaho and I can’t face my boss knowing that my mother is telling him every complain I felt after my work. “Ayaw mo n’on, anak? Hindi ka na maglalaan ng pamasahe araw—araw? Saka hindi ka na maghihirapan pang mag—abang ng kotse araw—araw para sa pumasok? Si sir mo ang sagot ng mga iyon,” wika ni nanay at sa puntong ito ay tuluyan ko na ring tinakpan ang kaniyang bibig daihl sa matinding hiya na aking nararamdaman. Sa harapan pa mismo ni Mr. Montemayor. Hindi na ako nagsalita pa. Pinili ko na lang ang manahimik at kasunod kong ginawa ay ang magtungo sa banyo para maligo. Humanda ka sa akin Axel mamay. This is too much. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari at bakit mo ito ginagawa? He is too rude at me these past few days. He used to be angry at me ngunit hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin! “Hindi na pwedeng maulit ito,” ang unang bungad ko nang pumasok ako sa sasakyan ni Mr. Montemayor. Matapos akong maligo ay hindi na ako nag—abala pang kumain. Nagdala na lang ako ng extra na baon para sa opisina na lang ako kakain. Paano ako kakain habang alam kong may naghihintay sa ‘yo sa sala? “What do you mean?” tanong niya sa akin na animo’y hindi niya alam ang ibig kong sabihin. “Sir, you are my boss and I don’t want a special treatment from you.” “That is my point. Ako ang boss mo kaya kaya kong gawin ang anumang nais ko.” sambit nito sa akin. Napilitan akong tumingin sa kaniyang mga mata dahil sa binitawan niyang katatagan. “Hindi mo ako naiintindiha—” “You must. Kung si Luke ba ang gagawa nito ay papayag ka?” tanong niya dahilan upang bumilog ang aking mga mata. Damn him! Puro na lang siya Luke! Kung umasta siya ay parang nakikipagkarera siya sa sarili niyang pinsan. What bothers him? Ano ang nasa isipan niya at kung bakit ginagawa niya ang lahat nang ito? “S—sir…” “Stop it. May appointment pa ako ngayong 9 am kaya kailangan na nating umalis. Whether you like it or not, susunduin kita. Nakapagpaalam na ako sa nanay mo and it seems she likes it too kaya wala ka nang magagawa,” mula sa akin ay ibinaling ni Mr. Montemayor ang kaniyang paningin sa kalsada. Nakangiti pa nga siyang pinaandar ang kotse niya. “Seems like your mother likes me…” naging mahina ang kaniyang boses kaya hindi ko nagawang marinig nang maayos ang binitawan niyang katatagan. Ilang saglit pa at nagsimula na ring umusad itong kotse. Tahimik ako buong sandali hanggang sa makarating kami sa tapat ng kompanya. Buong akala ko ay matatakasan ko na si Mr. Montemayor pagdating sa trabaho ngunit nagkakamali ako. “S—sir, may dadaanan pa po pala ako sa canteen,” wika ko bilang alibi. I want to have a separate way from him. Hindi ko na yata kaya pa na kahit sa pagpasok sa opisina ay kasabay ko pa siya. I can’t at baka tuluyan na akong matunaw dahil sa matinding hiya kung ganoon. “Mag—aals otso na, Miss Fuentes. I’ll make a deduction from your salary if you are late,” sambit nito sa akin dahilan upang mapalunok ako sa sarilli kong laway. Damn this man! He then unlocked the door of his car at nauna pa siyang lumabas sabay bato sa akin ng katatagang “Dalhin mo na rin ang folder na nasa harapan mo,” wika nito sa akin saka tuluyan nang nakalabas nitong kotse. Wala akong magawa but to follow his lead. Sumunod ako sa kaniya sa elevator hanggang sa makarating kami sa opisina. I placed the folder in his table saka ako dumiretso sa aking table. “Prepare the presentation I ask you last day. Importante ang meeting ko ngayon.” Sambit nito sa akin pagkarating at pagkarating niya sa table. “Yes po,” wika ko saka dumiretso na sa table ko at kaagad na binuksan ang monitor. I acted like nothing happens. Ito ang ayaw kong mangyari. Work is work. Kung hindi lang ako sinundo ni Mr. Montemayor kanina sa bahay ay sana naging komportable ako sa trabaho ko ngayon. Paano ako aasta sa harapan niya nang malinis ang nararamdaman at walang halong hiya kung may nangyayaring kakaiba sa pagitan namin. I don’t want to feel special. Secretary niya ako at isa sa trabahante niya sa kompanyang ito. Pwera na lang siguro kung nanglili--- Nope! It is not like that! Hindi iyon pwedeng mangyari! He is my boss and forever be my boss! I find the presentation in my desktop. Gamit ang USB ay inilagay ko iyon doon and then give it to him. Parang sobrang importante talaga ng magiging meeting niya ngayon. I don’t know what’s in it. Wala namang nakalagay sa appointment niya kaya alam kong personal na appointment niya ito ngayon. “Come here,” ilang minuto ang nakalipas nang maibigay ko sa kaniya ang USB. Tulad ng sinabi niya ay lumapit ako sa kaniya saka umupo sa harapan ng kaniyang mesa. “I am meeting Mr. Enzo Del Fuego this morning. Just stay in your seat no matter what, nakuha mo ba iyon? Lalabas ka sa oras na gusto ko at sa oras na ginawa ko iyon, don’t come back not until the meeting ends,” hindi ko maiwasan ang mapakunot ng sarili kong noo sa sainabi niyang iyon sa akin. I wonder what’s with their meeting at parang may iniiwasan siyang mangyari. “W—what do you mean, sir?” tanong ko sa kaniya at sa puntong ito ay iniwasan niya ako ng tingin. I can clearly see how he swallowed his own saliva na animo’y may tinatago siya na hindi naman sinabi sa akin. “Just follow what I said, okay?” wika niya dahilan upang manahimik ako. I know, importante nga talaga ang meeting na ito. I can sense how this Enzo important for him to prepare. Tulad ng sinabi ni Mr. Montemayor sa akin ay malaking kompanya ang mayroon si Enzo. He is the CEO of the five—star hotel in the city at alam kong malaking pagkakataon iyon at mas nakakabuti sa kompanya kung sakaling makuha niya ang investment nito. Kaya siguro ganito na lang kung maghanda si Mr. Montemayor sa magiging meeting nila. I know he will do his best for the betterment of his company. Alas nuebe nang mapansin kong may pumasok. Sumilip ako at hindi ako maaring magkakamali, it was Enzo. This is the man I was talking during the last meeting I was. He really files an appointment, ah? Naririnig ko silang nag—uusap—usap hanggang sa mapansin kong bumaling sa akin si Enzo at binatuhan ako ng ngiti. “Why not letting your secretary joins our discussion, Mr. Montemayor?” he said it formally habang nakatingin sa akin. Pansin na pansin ko kung paano siya lumunok ng sarili niyang laway. Tumingin sa akin si Axel at walang binitawan ni anumang katatagan para sa akin. “No, she won’t. I can handle it, Mr. Del Fuego. Can I proceed the discussion?” wika ni Mr. Montemayor saka ito nagpatuloy sa pagsasalita na alam kong ginawa niya nang maayos ang pagkukumbinsi sa kay Enzo. Hindi nakapokus sa kay Mr. Montemayor ang atensyon ni Enzo kung hindi sa akin. May pagkakataong tumitig ito sa akin at ilang segundo pa ang lilipas bago ilipat ni Enzo ang atensyon niya sa kay Mr. Montemayor. “Alright,” pansin na pansin ko ang kakaibang boses ni Mr. Montemayor. Sa puntong ito ay bumaling na ito sa akin at ilang segundo rin akong tiningnan bago bumaling sa kay Enzo. “Are you listening with my proposal, Mr. Del Fuego?” kapansin—pansin ang inis na siyang namumuo sa boses ni Axel.’ “I think it is more interesting when you let it done with your secretary, Mr. Montemayor. She is convincing though and she has a lovely voice,” ngiting sambit ni Enzo sa harapan ni Mr. Montemayor saka ito muling bumaling sa akin. Pansin ko kung paano umawang ang panga ni Mr. Montemayor. He then looks at me saka matinik akong tiningnan. “Miss Fuentes, come here.” Utos nito sa akin. Kabado akong tumayo mula sa aking mesa. Tumayo ako sa harapan ni Axel. “She can’t do this, Mr. Del Fuego. She already has a reserved meeting and it will happen in a few minutes. Right Miss Fuentes?” bumaling ito sa akin. Napalunok ako ng sarili kong laway. Wala akong choice but to nod. Ito na yata ang ibig niyang sabihing susundin ko siya sa anumang iuutos niya sa akin. Mr. Montemayor made a signal. Gamit ang mga mata niya ay pinapalabas niya ako na siyang kaagad ko namang sinunod. I followed what Mr. Montemayor commanded. Sa canteen na lamang ang tungo ko. Wala pang kataoo—tao ang canteen gayong hindi pa naman oras ng breaktime. I spend almost a half hour inside the canteen bago ko natanggap ang mensahe ni Mr. Montemayor. “Where are you? Wala ka bang balak na bumalik sa opisina?” ang laman ng kaniyang mensahe. Hindi ko alam kung bakit hanggang sa text messages ay ramdam na ramdam ko ang emosyon sa likod ng mga mensahe niya. Siguro ay dahil nasanay na akong makita sa kaniyang mukha ang seryosong emosyon. Nang makarating sa opisina ay una kong tiningnan ay ang presensya ni Enzo ngunit wala na siya doon sa mga oras na ito. I wonder how is the meeting at kung ano ang naging resulta ng pag—uusap nila. “Kanina pa ba kayo tapos, sir?” tanong ko saka tuluyan nang lumapit sa kaniyang lamesa. I look at Mr. Montemayor’s reaksyon ngunit seryoso lamang itong nakatingin sa kaniyang laptop. Pansin ko pa ang pagtiklop niya ng hawak niyang folder. Hindi siya sumagot sa naging tanong ko. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniyang atensyon. “How is it, sir? Successful po ba? Nakuha mo ba, sir? I guess you did it, right?” tanong ko lalo pa at hindi ko maiwasan ang pananbik na nararamdaman ko. I know, he can do it. Ako nga ay nagawang kunin ang atensyon ni Enzo siya pa kaya? Mr. Montemayor was an expert and one of the most successful business men in the city. Hindi kaagad siya sumagot sa tanong ko. It seems like there is something wrong happened earlier. Mas lalo ko lang siyang tinitigan sa mata. Trying to read the thought behind his blank emotion. “S—sir? May problema ba?” tanong ko sa kaniya. “I stopped the proposal,” wika nito sa akin saka bumaling sa akin. Muli ay napapansin ko na naman ang pag—awang ng kaniyang panga, I know, there is something wrong happened earlier during their discussion at nais ko iyong alamin! “Inurong ko ang proposal.” Pagpapatuloy pa nito habang damang—dama ko ang kakaibang emosyon sa likod ng mahina niyang boses. “W—wait. W—what? B—bakit naman sir? I know Mr. Del Fuego is interested about the investment. Siya na nga mismo ang nag—appoint sa ‘yo hindi ba and even offer his time to come here to discuss about it. Paano mo nagawa—” “Mr. Del Fuego is not interested in the company, Miss Fuentes!” malakas na sambit niya dahilan upang mapaurong ako sa pagsasalita. “What?! Paano nangyari iyon?” gulat na gulat kong sambit. Alam kong interesado siya. I can sense it noong dumalo ako sa meeting. Sabi pa nga niya sa akin ay kakausapin niya si Axel dahil interesado siya sa kompanya but what happened now? “Don’t worry sir, I’ll contact him to ask another chance,” sambit ko kasabay ang pagkuha ko sa aking cellphone ngunit kaagad rin akong napahinto nang marinig ko siyang nagsasalita. “Hindi siya interesado sa kompanya kung hindi sa ‘yo, Miss Fuentes and how can I make a deal with that guy knowing that he is flirting with my secretary?” kapansin—pansin ang tigas sa kaniyang boses habang sinasambit iyon. Bumabakat pa nga ang ugat mula sa kaniyang leeg habang bumibitaw sa mga katatagang iyon na alam ko na ang ibig nitong sabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD