Chapter 10

3187 Words
Axel’s POV “MAG--IIBA ang araw mo ngayon, Axel. Nais kong ayusin mo ang pakikitungo sa kaniya sa pagkakataong ito. I am tired to find another secretary for you. Nakuha mo ba ang ibig kong sabihin, ha?” pangaral nito sa akin. Pumikit ako. I just finish fixing my tuxedo at pagkatapos ay nagtungo na ako sa baba. I didn’t bother to exchange thoughts with dad. Alam ko namang wala na siyang ibang sasabihin pa but to remind me and remind me. I know what I am doing. “Sawa na akong marinig na may pinalayas ka na namang sekretarya sa opisina mo, Axel. Kaya umaasa akong sa puntong ito ay magiging matino ka na.” pagpapatuloy nito habang nakasunod sa aking yapak. Pababa na ako ngayon sa hagdanan habang si dad naman ay nakasunod sa aking yapak mula sa aking likuran. “I am not the problem, dad. But them. Ayaw ko nang palpak at walang puwang sa mundo ko ang pagkakamali. Kahit ikaw naman siguro and I just did that to make our business smooth and grow,” wika ko nang hindi ko siya hinarap. Hindi na siya nagsalita pa. Gamit ang wireless key ay pinatunog ko ang aking sasakyan. I then open the door of my car saka mabilis na pumasok doon. Tulad ng karaniwang araw ay alas nuebe nang dumating ako sa kompanya. The guard welcomed me with a big smile and then opens the glass door for me. Lahat ng staff na nakakasalubong sa akin ay bumabati sa akin but I don’t have time to deal with them. Nais kong makarating kaagad sa aking opisina at simulant nang kilatisin ang bagong secretary na tinutukoy ni dad. I wonder why there is no such secretary that meets my taste. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong nagpalit ng secretary but none of them gain my trust. Lalo pa sa oras na nagkakamali sila sa pinapagawa ko ay wala akong unang ginawa kung hindi ang palayasin sila sa kompanyang ito. For me, everything must be perfect. For me, everything ends with first attempt. Walang revision o kahit pangalawang pagkakataon. If you fail in your first try, then there is a big possibility that you will fail multiple times during the process. Ano pa ang saysay ng second chance kung paulit—ulit mo lang itong gagawin? Tahimik ang silid ko nang pumasok ako. I wonder what my new secretary doing during this time. Hindi ako tumigil sa paglalakad hanggang sa hindi ko namalayan ang sandali. May bilang sumulpot sa aking harapan na hindi ko naman alam kung saan iyon galing. Probably, from the table na nadadaanan ko. Kasunod na pagbangga sa akin ay ang pagkalat ng medyo mainit na kape sa aking damit. Napapikit ako at kasabay ng pagpikit ko ay ang pag—awang ng aking panga sa galit. “What the f**k, Miss Fuentes!” mabilis kong sigaw. Miss Fuentes, that was what my dad says the surname of my new secretary. I heard her saying sorry ngunit wala na akong naramdamang awa sa puntong ito. I slowly open my eyes. Unang bumungad sa aking paningin ay ang babaeng nakapikit sa aking harapan. From his reaction, I can clearly see the hesitation in it at ang matinding takot dahil na rin siguro sa malakas kong pagsigaw. I don’t know why but looking her in front of me while her eyes are closed and do nothing but stand in straight with hesitation, I feel different. Humugot ako ng malalim na hininga. I was angry earlier at kailangan ko iyong panindigan. “Sa tingin mo ay maibabalik pa ng sorry mo ang malinis kong damit? It is still 9 o’clock and you ruined my day with just a cup of coffee!” mabilis kong sambit at pinilit na mahalata niya ang matinding galit at inis mula sa aking boses. She’s frightened. Nanatili lamang siyang nakapikit at nakayuko na alam kong takot na takot itong tingnan ako sa mata. Seriously? Hanggang kailan ba matatapos ang sumpang ito? Palagi na lang ganitong klaseng secretary ang napupunta sa aking mga kamay. Kailan ba ako magkakaroon ng perpektong secretary? “Kneel down, Miss Fuentes…” wika ko. This time, I just want to play with her. Hindi pwedeng basta—basta na lang niyang sisirain ang aking damit nang walang kapalit ng hirap. Gusto kong manlumo siya sa takot at kaba habang pinapagawa ko sa kaniya ang mga bagay na alam kong magpapanginig pati sa kaniyang buto. “MAY MEETING MAMAYA. YOU WILL BE THE ONE TO REPRESENT THE COMPANY,” I said while looking at the monitor. Ito ang unang beses na magbigay ako ng pangalawang pagkakataon sa secretary ko. Sa mga nakaraan kong secretary, matagal na ang isang linggo at kung hindi man ako ang nagpapaalis ay sila mismo ang kusang nagresign sa kompanya. But this time, this girl will go the same. Tingnan natin kung kaya ba niya ang mga ipapagawa ko sa kaniya. Looking at her appearance, I slowly put my hands on her shoulder. Dahan—dahan kong hinaplos ang kaniyang balikat pababa sa kaniyang hita. Hindi ko alam kung bakit parang kakaiba ang babaeng ito. I enjoyed seeing her suffering from hesitation. Parang masaya akong nakikita ko siyang tahimik lang ang iniinda ang mga ginagawa ko. I know, she has no choice but to let me do everything I want. Ako ang boss niya at kung tutuusin ay hawak ko ang leeg niya habang nasa loob siya ng opisina ko. “Ganda lang ang mayroon sa ‘yo Miss Fuentes at kailangan mo iyong panindigan. Use it for you to stand out. I don’t want to hear negative feedback, nakuha mo ba iyon?” parang pabulong ko na rin iyong sambit gayong sobrang lapit ng bibig ko sa kaniyang tainga. Sinadya ko iyon upang mas maramdaman niya ang emosyong nakapaloob sa mga katatagang binitawan ko. She remained silent as usual. Siguro naman kilala na niya kung anong klaseng pagkatao ako at kung makakaya man niyang pakitunguhan iyon ay siya ang panalo. I let her attained the meeting for me. Wala naman talaga akong ibang gagawin sadyang nais ko lang talagang subukin siya at kung karapat—dapat ba siya sa kaniyang posisyon. I am expecting a bad feedback though lalo pa at alam kong iyon ang unang beses niyang dumalo sa isang business meetingh. But I got it wrong. Nang bumalik siya sa opisina ay buong akala ko ay masamang balita at pagkabigo ang sasabihin niya sa akin but it was not the same thing that I expected. She got the attention of Enzo. One of the famous CEO in the City. Si Enzo ang kasunod na nangungunang kompanya sa kompanya namin at hindi ko inakalang ang isang secretary ko pa ang nakasungkit n’on. This time, I feel interested at Sandra. Pakiramdam ko ay hindi lamang secretary ang maaaring gawin niya sa kompanyang ito. Well, I am expecting more from her. Days and weeks went through at hindi ko inakalang sa loob ng isang linggo na iyon ay magbabago ang tingin ko sa kaniya. I just enjoyed teasing her and pouring her with loaded task. Ilang taon na rin akong nanahimik at pinilit na hindi matukso but this time, I think it is different. “I told you to avoid my cousin. Hindi ba malinaw iyon sa ‘yo? He is a womanizer, Miss Feuntes!” I said angrily. Mali ako ng ginawa kagabi. Dapat pala ay hindi ko na sinama pa siya sa bar na iyon. I know my cousin, papatusin niya lahat ng babaeng nakakuha ng kaniyang atensyon. Kung tutuusin ay hindi dapat ako nagkakaganito. I am just her boss and she is just my secretary ngunit hindi ko malaman kung bakti sobra akong affective nang makita ko ang reaksyon ni Luke nang makita niya si Sandra. It feels like si Sandra na naman ang kasunod na babaeng paiikutin niya at pagsawaan. Ayaw ko mang aminin but the severe jealousy aroused in my temper that night. Sa sobrang inis ko lalo pa nang madatnan ko silang nag-uusap at kitang—kita ko sa ngiti ni Sandra at kung paano pakitungohan ni Luke ang secretary ko ay parang nag—aalburoto na ang aking mundo. I grab her hand. Mas lalo lang naging mainit ang aking isipan nang malaman kong uminom siya. Kailanman ay wala sa plano ko ang painumin siya kaya mas lalo lang akong nainis nang malamang pinilit ng mga pinsan ko si Sandra. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay saka siya mabilis na hinigit palabas sa bar. I need to get her away from that bar, away from Luke dahil pakiramdam ko, habang tumatagal ay parang nakakaramdam rin ng kakaiba si Sandra sa pinsan ko at ayaw ko mang aminin ay parang sa kung saan saan na lamang napupunta ang aking isipan. I can’t stop to overthink! I can’t let anyone own her. Shit! Ano ba ang mayroon sa babaeng ito at bakit ako nagkakaganito sa kaniya? Ilang taon rin akong nanahimik. Ilang taon ring binalot ng lamig ang aking puso at nararamdaman but everything had change when this girl arrived. Ayaw kong aminin iyon sa kaniyang harapan lalo pa at wala naman akong karapatang gawin iyon. I am the CEO of Montemayor’s INC. at hindi ko dapat nararamdaman ang mga kabaliwang ito ngayon! “My secretary is fine. Maayos naman siyang nakauwi kagabi and I drive her home. She’s not sick to visit. Sabihin mo na lang ang sadya mo at nang makaalis ka na. Miss Fuentes is at work at hindi ka dapat nandito. You are disturbing my secretary’s job, Luke.” Matigas ang naging tono ng aking boses. Nakatingin lamang ako sa aking pinsan/ Halos mabasag na ang aking panga nang makita ko ang pinsan kong nakaupo sa harapan ni Sandra. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Hinding—hindi ko na naiwasan pang maging masungit. Hindi naman madalas pumupunta dito si Luke. Kung pumunta man siya rito ay iyon kung may pinapabigay ang daddy niya sa akin. Kaya alam na alam ko kung ano at sino ang pinunta niya dito. “I am paring you to work and not to meet someone during work hour. Nakuha mob a iyon, Miss Fuentes?” malutong ang naging pagsambit ko sa mga katatagang iyon. Halata sa boses ko ang matinding inis. “Alright, see you in breaktime then,” ngiting sambit ni Luke sa kay Sandra at saka ito bumaling sa akin. Iniinis ba ako nitong pinsan ko? Huwag niyang hintaying masapak ko siya! Saka pa natahimik ang kaluluwa ko nang tuluyan nang nakalabas si Luke sa opisina. Siniguro ko munang naisara na nito ang pinto bago ako bumaling muli sa aking secretary. Sa naging reaksyon niya ngayon ay parang masaya pa siyang pumunta dito si Luke. Dammit! Ano ba ang mayroon sa lokong iyon para magawa niyang akitin ang lahat ng babaeng nais niya?! Halata naman sa bawat kilos niyang ni isa sa kanila ay wala siyang siniseryoso at sa puntong ito ay hindi ako papayag na pati si Sandra ay maging isa sa mga babaeng pinagsawaan niya. “One last thing,” huminto ako sa paghakbang. Napalunok pa ako ng sarili kong laway. Ayaw kong manatili ang kaisipang ito sa aking isipan. Alam kong habang tumatagal ay mas lalo lang akong nababaliw sa kakaisip ng mga ito. “Don’t call my cousin with his first name. Call him sir or his surname instead. Treat him the way you treated me.” hatang—halata mula sa aking boses ang matinik nitong tunog. Ewan ko ngunit nakakaramdam ako ng kirot sa puso nang marinig ko ang secretary ko na tinawag ang pinsan ko sa pangalan nito. ShitI just can’t let her call the name of another man while she can’t do that to me! Kung may lalaki man siyang tatawagin sa pangalan ay ako dapat iyon at hindi ang pinsan ko o ang kung sino! Ako lang dapat. Sa akin lang dapat ang atensyon niya at sa akin lang dapat maging malapit ang loob niya! “You will not leave for lunch, Miss Fuentes…” wika ko habang nakatingin lamang sa aking monitor. Wala naman talaga akong ginawa sa computer ko. I prefer to stare at it than looking at Sandra’s face. Pakiramdam ko ay parang hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang nais ko habang nakatingin sa kaniyang mukha. “P—po?” tanong nito sa akin. Napapapikit ako. Hearing her voice while calling me formally made me feel irritated. Hindi ba pwedeng hindi na lang niya ako tawaging ‘po’? Umawang ang aking bibig. Bingi ba siya? Kailangan ko pa talagang ulitin ang sinabi ko bago niya makuha ang nais kong mangyari sa tanghaling ito? “You are not living for break. Manatili ka lamang dito sa loob at lalabas ka lang kung kailan ko gusto. Don’t worry for foods, the crew is now serving for it.” Mabilis kong sambit. I can’t let her go out knowing that my cousin is waiting for her. Ano? Papalabasin ko siya at magkita sila ng pinsan ko? Hindi ko maimagine ang sarili ko habang alam kong may naghihintay sa kaniya sa labas. Luke is aggressive when it comes to women kaya alam kong isang pakiusap lang niya dito kay Sandra ay kaya niya itong dalhin sa kung saan niya gusto tulad ng karaniwan niyang ginagawa sa mga babae niya. Kung ganoon lang sana akong lalaki ay noon ko pa iyon ginawa sa kay Sandra. But I am different. We had our lunch together. Ito na yata ang unang pagkakataong nagkakasabay kaming kumain and it feels so special to me. Hindi ko alam kung saan ako nabusog—sa pagkain ba na nasa harapan ko ang sa kay Sandra na mahinhing kumakain sa tabi ko. Sandra is different. Kakaiba siya sa mga naging secretary ko. Siguro siya na ang secretary ko na magtatagal sa kamay ko and I can assure it. I spent the day inside my office. Ni isang beses ay hindi ako nagtangkang lumabas sa aking opisina o kung lumabas man ay bumabalik ako kaagad. I can’t leave my secretary alone. Kilala ko si Luke at alam kong hindi siya titigil hanggang hindi niya makuha ang gusto niya lalo pa at alam niyang wala pang nagmamay—ari sa kay Sandra. Baka kung aalis ako ay sa pagbalik ko ay makikita ko na naman silang nag—uusap at alam kong sa puntong ito ay hinding—hindi ko na iyon kakayanin pa. Kanina ay parang puputok na ako sa selos lalo pa at nakikita ko ang mga ngiti ni Sandra habang kaharap si Luke. Her smile is different. Ni isang beses ay hindi naman niya iyon pinakita sa akin, ah! Buong maghapon ay hindi ako mapakali. I can’t stop thinking multiple thoughts and the possibilities that will happen between Sandra and Luke. Hinding—hindi ako matatahimik at hindi ko alam kung ano ang bagay na makakapagpatahimik sa akin. Babalik at babalik lang sa aking nararamdaman ang selos at inis tuwing iniisip ko ang mga bagay na pinapakita niya sa harapan ni Luke na kailanman ay hindi naman niya pinaparamdam at pinapakita sa akin. “Stop acting like you feel nothing, Miss Fuentes! Halata naman at hindi ako tanga para hindi ko maramdaman iyon. Luke is having an interest with you o baka naman gusto mo kaya hindi ka umiwas?” binabalot ng inis ang aking boses. Ang pinakaayaw ko ay iyong nagsisinungaling. Sana ay sasabihin niya sa akin na gusto rin niya ang pinsan ko at nang hindi na ako umaasa pa! “Your cousin is quite fun, sir. Maybe you are right, there is no girls that will not be interested with him.” My jaw clenched after hearing her statement. “Dammit! Huwag mong sabihin na pati ikaw ay ginusto mo rin ang pagpapansin niya?” inis na sambit ko. “I am working diligently, sir. I am just a secretary and I have my family as my priority kaya wala akong oras para sa ganiyan.” Mabilis nitong wika sa akin. Kahit papaano ay kumalma ang nararamdaman ko. I look at her face at trying to read her mind. I wonder what kind of life she has. I wonder what kind of family she belongs and the state of living she have now. Alas singko nang mapansin ko siyang tumayo at alam kong uuwi na siya. I can’t let her go home alone. Mula nang makita kong dumating si Luke dito kanina ay hindi na ako komportable pang wala ako sa tabi niya. Siguro ay matatahimik lamang ako kung nasa bahay na siya. Habang nandito pa siya ay sinisiguro kong hindi ako mawawala sa kaniyang tabi. Gagawin ko ang lahat makita ko lang siyang maayos at walang lalaking kinakausap kung hindi ako lang. “You are going home yet. Sasamahan mo muna ako. Don’t worry, the thing happened last night won’t be repeated.” Mabilis kong sambit dahilan upang mapahinto siya. Tulad ng nasa plano ko ay sabay kaming lumabas sa opisina. Need to assure that she’s home safely at nakauwi nang maayos at diretso. I made an alibi, sinabi ko sa kaniyang may pag—uusapan kami ngunit ang totoo ay wala naman talaga. Ewan ko ngunit nahihirapan akong sabihin sa kaniya nang diretsa. Nahihirapan akong sabihin sa kaniya na ang totoo kong sadya ay ang ihatid siya sa pag—uwi. I drive the car silently. Alam ko na naman ang daan pauwi ng bahay nila. Nakainom ako kagabi kung saan una ko siyang hinatid pauwi ngunit tanda ko pa ang bawat detalye ng daan papunta sa bahay nila. “S-sir? Saan po ang punta natin?” she asked me. Hindi ako sumagot sa halip ay nanatili lamang akong nakatuon sa pagmamaneho. Wala akong planong huminto. Nais kong makita siyang pumasok sa bahay niya bago ako aalis o kung bibigyan man ako ng lakas ng loob ay kukunin ko ang tiwala ng kaniyang magulang. I stopped the car in front of her house. The house is not that big and elegant. Sakto lang na magkaksaya ang tatlo o apat na miyembro ng pamilya. The place is quite kaya alam kong delikado na ang umuwi lalo na sa gabi. Sa nakikita ko ngayon ay mas lalong hindi ako komportableng umuwi siyang mag—isa. “Alam mo…” I said, hindi ko muna binuksan ang pinto nitong sasakyan ko. “You are my secretary for more than two weeks. I think it is the perfect time to introduce my self to your parents. Para naman makilala nila ang boss ng kanilang anak. Tama ba?” nanginginig ang aking bibig habang sinasambit iyon ngunit hindi ko iyon pinapahalata. I want to act as comfortable as I can in front of her at ipapamukha sa kaniyang walang bahid na takot ang nararamdaman ko ngayon. Siguro iyon lang ang tamang paraan. Ang tamang paraan upang makuha ko ang loob ng magulang niya, iyon lamang ang tanging alam kong paraan upang maging komportable ako sa lahat— lahat tungkol sa kay Sandra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD